SUNGHOON'SHinayaan ko nalang si Sunoo na gawin ang gusto niya. Hanggang sa makarating kami sa bahay nila, Sunoo was puzzled.
"Bakit walang ilaw?" He asked saka siya sumilip. Nakisilip na rin ako kasi curious ako, and true enough, sobrang dilim nga ng bahay nila.
May kuryente at may ilaw naman ang mga poste, pero bahay nila ang dilim-dilim.
"Teka," Sabi ni Sunoo saka na siya bumaba. Bababa na rin sana ako pero hinarang niya yung palad niya sa mukha ko.
"Sama ako," Sabi ko sakanya saka ko ulit sinubukang bumaba, pero ngayon, hinawakan na niya ng tuluyan ang buong mukha ko para pigilan ako.
Nalasahan ko pa yung palad niya.
"Diyan ka lang, wag kang bababa," Sabi niya saka na niya binuksan ang gate nila atsaka nagdire-diretso sa loob.
I couldn't just let him in by himself so I followed him. Muntikan pa nga akong madapa dahil sa dwende na figurine na nakakalat sa garden nila, pero mabuti nalang at hindi ako nasubsob sa damuhan.
Everything was quiet. Too quiet na parang walang Sunoo na pumasok.
"Sunoo!" Tawag ko. Ilalabas ko sana ang phone ko para buksan ang flashlight, but I remembered na wala na pala yun charge.
Lumubog na ng tuluyan ang araw kaya wala sobrang dilim na. Sinubukan kong sundan si Sunoo sa mga dinaanan niya kanina, at pagkatapos ay nakarinig ako ng malakas na kalabog na nanggaling sa loob ng bahay.
At sigaw.
Biglang nagsitaasan ang mga balahibo ko sa katawan at bumilis ang tibok ng puso ko. Biglang may mga namuong butil ng pawis sa noo ko.
"Shit naman," Bulong ko sa sarili ko. Nangapa ako ng malaking bato mula sa garden nila saka ako naglakad.
As much as I want to shout Sunoo's name, I don't want my location to be more known by the potential intruder.
I tried my best to not make any sounds hanggang sa makarating ako sa back door nila. Inangat ko ang kamay ko na may hawak na malaking bato, and when I stepped inside their house, biglang bumukas ang mga ilaw at may mga party poppers na nagsiputukan.
Maraming confetti ang nahulog saakin, and they started singing.
I was stunned. Hindi ako makagalaw sa posisyon ko, and I couldn't believe what I was seeing.
Nandito sila Heeseung, Jay, Jake, Ni-ki at Jungwon. Pati na rin ang mga magulang ni Sunoo at ang mga kasambahay nila. They were all smiling at me.
"Maligayang bati, maligayang bati! Maligayang maligaya, maligayang bati!" Sigaw nilang lahat.
Lahat sila ay pumalakpak, at may isang taong lumapit saakin habang hawak-hawak ang cake na may kandila sa gitna.
He was smiling from ear to ear.
"Maligayang bati, kuya."
SUNOO'S
"Baka naman pwedeng ibaba na yung bato at ihipan na yung kandila diba," Jungwon shouted which made everyone including me and kuya Sunghoon laugh.
Nilagay niya sa may counter yung bato saka niya inayos ang harap niya saakin. "Wish ka na kuya dali." Sabi ko saka ko in-extend ang kamay ko sa harap niya.
He stepped closer to me saka niya inaalalayan ang kamay ko na hawak ang cake bago siya pumikit at ihipan ang kandila.
And once he did, napaputok ulit ng party poppers sila kuya Jay.

BINABASA MO ANG
Pwede Ba Tayo?
Fiksi Penggemar☆PWEDE BA TAYO? • sunsun au • wherein kim sunoo, a junior highschool student who's part of the theatre and arts club, has a major crush on the school's top ranking student council college president, park sunghoon. ~ This is where I dump my twt au na...