SUNOO'S
I didn't know what I was expecting. Pero alam kong hindi ito ang in-expect ko.
Hindi ko inasahan na darating kami sa isang...bahay ampunan.
Kuya Sunghoon reached out his hand to me nung pababa ako ng van, and I was just busy gawking at the big gate, and I was hearing faint laughters of children.
Tumabi siya saakin saka ako marahang binangga sa gamit ang braso niya.
"This is where I go at this time of the year." Sabi niya saka siya ngumiti saakin, at ako naman, nakatingin lang sa kanya.
He was happy.
"Sunghoon?" Parehas kaming napalingon sa boses na nanggaling sa loob. "Ikaw nga!" Masaya niyang sabi saka niya kami dali-daling pinagbuksan ng gate.
"Sister," kuya Sunghoon left my side para salubungin ang madre, at nang mapagbuksan naman na kami ng gate ay nagmano siya.
"Akala ko sa susunod na linggo ka pa darating,"
"Eh ayun nga po, napaaga ako." Sagot ni kuya. He then looked back at me, naglakad siya patalikod papalapit saakin saka ako hinila papunta kay sister.
"Si Sunoo po," pakilala niya saakin. I smiled saka ako nagmano.
"Ang gwapong bata." Komento niya kaya medyo nahiya naman ako.
"Ay, hindi naman po. Cute lang." Sabi ko and then she laughed.
"Halika na. Matagal ka nang gustong makita ng mga bata." Nauna na maglakad si Sister kaya sumunod na kami. Pinagbuksan ni Kuya Sunghoon ng gate yung van para hindi na mahirapang magbuhat ng mga dinalang pagkain.
Nang makapasok naman na kami ng tuluyan, nakita ko ang malaking simbahan at bahay. May malawak din na garden at may simpleng playground para may lugar kung saan makakapaglaro ang mga bata.
Nasa tabi ako ni kuya habang naglalakad kami papasok, at ako naman, I couldn't stop looking at the garden. Halatang alagang-alaga ang mga bulaklak.
"Nandito na si Kuya Sunghoon niyo!" Anunsyo ni Sister at may mga maliliit na batang dumumog sa kanya. Medyo natulak ako ng iilang bata, pero hindi naman ako nasaktan kaya hinayaan ko nalang.
Ang iilan sakanila ay tumakbo at dumiretso sa mga bisig ni kuya Sunghoon saka ito nagpabuhat. Ngumiti ako.
Hindi ko ma-explain ang nararamdaman ko. Seeing kuya Sunghoon with children makes me happy. Ang lambot lang sa puso.
"Kuya!" The children shouted at the same time.
"Aisa! Ang laki mo na!" Sabi niya sa batang babae na buhat-buhat niya.
"Nakakailang kanin po yan kuya, minsan inaagawan ako," Sumbong ng isang bata kaya natawa si kuya Sunghoon.
"Kamusta naman kayo?"
"Na-miss ka namin kuya!" Sigaw nilang lahat. Not exactly the same words, but they all shouted with that thought saka sila yumakap sa bewang niya.
Nakakainggit. Gusto ko rin tuloy makiyakap.
And as if kuya Sunghoon heard what I said, bigla niya atang naalala na may kasama pala siya kaya nilibot niya ang tingin niya para hanapin kung nasan ako.
Lumapit nalang ako ng kusa, pero bago pa man niya ako mapakilala, napansin na kaagad ako ng ilang mga bata.
Siguro dahil sa curiousity nila kasi nga mga bata, lumapit sila saakin.
"Sino ka po?"
"Si kuya Sunoo niyo," Pakilala ni kuya Sunghoon saka siya lumapit saakin. Binaba na niya ang bata saka niya isa-isang tinuro at sinabi ang pangalan.
BINABASA MO ANG
Pwede Ba Tayo?
Fanfiction☆PWEDE BA TAYO? • sunsun au • wherein kim sunoo, a junior highschool student who's part of the theatre and arts club, has a major crush on the school's top ranking student council college president, park sunghoon. ~ This is where I dump my twt au na...
