SUNGHOON'S
Thinking about it, I did not really lie.
Me and Gaeul...we're not in bad terms, but we're not in good terms either. Ang tagal na nung huli ko siyang nakausap.
In fact, I wouldn't even be talking to her if it weren't for my father.
This morning, ang tagal kong pinag-isipan kung papasok ba ako o hindi. Ang tagal kong nakatunganga at nakatila sa kisame ng kwarto ko.
I felt mentally weak. Pakiramdam ko sobrang dami kong pinagdaanan sa loob ng isang araw at kailangan ko ng isang araw na pahinga.
Atsaka may pasa ako sa mukha. Ayaw ko namang paalalahanin ang mga kaibigan ko pag nakita nila yun. Lalo na si Sunoo.
But in the end, I got up from my bed anyway. Magface mask nalang ulit ako at kunwaring may nakakahawang ubo.
Tahimik lang ako sa biyahe. Pinagtitinginan ako ng mga tao sa jeep kasi ako lang ang nag-iisang nakasuot ng face mask. Pero hindi ko nalang sila pinansin. Hindi ko naman kailangang i-explain ang sarili ko sakanila.
Dumiretso kaagad ako sa SC room pagkarating ko ng school. May deadline ngayon na hinihingi ang ibang teachers para sa proposal na gagawing event next yearㅡwhich is a few months from now.
Nagsusulat ako sa whiteboard nang may biglang pumasok sa kwarto, and I turned my head to see who it was.
Si Sunoo.
"Good morning!" He greeted cheerfully. Kaagad siyang lumapit saakin saka sumilip sa sinusulat ko.
"Ano yan?" Curious niyang tanong. And of course, sinagot ko naman siya.
Habang nagsasalita ako at nag-eexplain sa kanya ng mga bagay-bagay, hindi ko na napansin na nakatingin pala siya sa mukha ko.
I got flustered. Nagtama ang tingin namin kaya napaiwas kaagad ako. Nabulol pa ako.
"Wala ka pa bang klase?"
"Bakit ka nakaface mask? May nakakahawa na bang virus na diko alam?" He even tilted his head. Muntik na akong matunaw.
Umubo ako saka ko hinilot lalamunan ko. "May ubo ako."
"Your voice doesn't sound hoarse..." Bulong niya pero rinig na rinig ko naman. Bumaba ang tingin niya kaya pasimple kong tinago ang kamay ko na may bandage, pero kaagad naman niya yung napansin.
"Anong nangyari diyan?" Sabi niya saka siya lumipat sa kabila ko para malapitang mahawakan ang kamay ko.
I flinched nang mapadiin ang hawak niya sa kung nasan banda ang sugat, and he immediately let go of it, and then the next second, marahan niya na yun na inangat para masuri niya.
"May nangyari ba kahapon?" Tanong niya saka siya nag-angat ng tingin saakin. He looked directly into my eyes, and the sun was shining directly into his brown ones kaya napatulala pa ako sandali.
He was...he was beautiful than what I last remembered.
SUNOO'S
"Wala naman," Sagot niya saakin matapos ang ilang segundo ng pagkatulala niya. He shrugged pagkatapos ay bumalik siya sa pagsusulat sa white board na para bang wala ako sa tabi niya.
"Okay ka pa naman kahapon nung naghiwalay tayo? Bakit pagkapasok mo nagkaroon ka ng ubo saka ng bandage sa kamay?" Tanong ko. Napatigil siya sa pagsusulat saka siya humugot ng malalim na hininga.
"Kulang ako sa tulog, Sunoo, please. Wala ka pa bang klase?"
"Pinapaalis mo na ba ako?" I asked softly.
![](https://img.wattpad.com/cover/278903634-288-k61136.jpg)
BINABASA MO ANG
Pwede Ba Tayo?
Фанфик☆PWEDE BA TAYO? • sunsun au • wherein kim sunoo, a junior highschool student who's part of the theatre and arts club, has a major crush on the school's top ranking student council college president, park sunghoon. ~ This is where I dump my twt au na...