SUNOO'SMakalipas siguro ng ilang segundo, dumating na yung mga pagkain. Kuya Heeseung ordered us steaks and baby back ribs. May carbonara and caesar salad din. Tapos yung cake na galing sa resto at yung cake na binili ko.
"Hindi ako nag-order ng cake," Kuya Heeseung said sa mga staffs pero ngumiti lang sila.
"Kami nag-order," Kuya Jay said. "Pero mukhang yung strawberry shortcake lang kakainin mo, eh." He joked.
I genuinely laughed at that. Napatingin saakin si Kuya Heeseung and nakita ko ang marahan niyang pagsiko kay kuya Jay.
We all sang him a happy birthday bago kami nagsimulang kumain.
The whole dinner ended with mostly kuya Jay and Jake initiating jokes and small talks. The last time we ate altogether was awkward, pero ngayon, it seemed like the atmospehere lightened a bit.
They were still talking--I meant the 3 kuyas, excluding kuya Sunghoon--nang matapos kami lahat kumain. Kuya Heeseung offered to buy desserts pero grabe na ang busog ko kaya tumanggi ako.
"Hindi na, puputok na rin tiyan ko," Kuya Sunghoon said saka siya sumandal sa upuan.
Sa totoo lang, nakailang nakaw ako ng tingin sa kanya. At ang tahimik niya lang buong oras na kumakain. He would smile a little, pero babalik din siya kaagad sa paglalaro ng pagkain niya.
Mukha siyang kinakabahan. And that made me worry.
Konti lang naman.
"Teka, restroom lang," Paalam ni kuya Sunghoon.
Sinundan ko siya ng tingin, pero sa iba siya dumaan. He went to the other exit of the restaurant. Binaling ko ang tingin ko sa mga kuya. Pero parang hindi naman nila napansin yung pagpapaalam ni Kuya Sunghoon.
Parang ako lang ang nakarinig.
Marahan kong siniko si Jungwon na busy makipag-usap kay Ni-ki. "Bakit?"
"Labas lang ako, ha." Paalam ko sakanila saka na ako tumayo. Hindi na nakahabol pa si Jungwon saakin na magtanong. Hindi na rin siguro ako napansin nila kuya Heeseung, as they were busy talking about acads.
I went out to the other side of the restaurant. Kung saan yung smoking & parking area, and I saw Kuya Sunghoon staring at the moon.
Nakatayo lang at nakatingala. His hands were at his pockets, and I could hear him letting in long breaths.
Iiwanan ko na sana siya kasi baka gusto niyang mapag-isa, but at some point, I felt like he needed someone to talk to.
"Ganda ng buwan," komento ko nang makalapit ako sakanya. Ramdam kong tinignan niya ako, pero hindi ko na yun pinansin.
Sa puntong yon, nakatingala na rin ako sa buwan. Sobrang ganda.
"Bakit ka nandito?" Tanong niya sakin. Kaagad kong nabaling sa kanya ang tingin ko.
"Wala lang. Sa'yo ba to?" I tried to joke. And he slightly chuckled. Pero agad ding nawala. Bigla kaming nanahimik.
Sumulyap ako sa kanya, at nakita ko na nakatingala nanaman siya sa buwan.
Pero kumpara kanina, he seemed relaxed. Kumikinang na ang mata niya habang nakatingin sa langit. Maayos na ang paghinga. Maaliwalas na ang mukha.
"May gusto ka bang sabihin, Sunoo?" He asked me kaya nanlaki bigla ang mga mata ko sa gulat.
"Ha? Ah...wal--actually...meron." Pautal-utal kong sabi. Napatingin tuloy siya saakin. I felt like I got tongue tied.
Marami akong gustong sabihin pero hindi ko masabi-sabi. Marami akong gustong sabihin pero walang boses na lumalabas.
BINABASA MO ANG
Pwede Ba Tayo?
Fanfic☆PWEDE BA TAYO? • sunsun au • wherein kim sunoo, a junior highschool student who's part of the theatre and arts club, has a major crush on the school's top ranking student council college president, park sunghoon. ~ This is where I dump my twt au na...