Part 7

13 2 0
                                    


SUNOO'S

We were already dismissed nang mapagdesisyunan muna namin nila Ni-ki na magstay sa hallway sa tapat ng room namin.

Masyado pa kasing maaga at nagtawag ng meeting yung mga seniors namin sa theatre club. Hindi ko nga lang alam kung tungkol saan.

"Saan niyo gustong kumain?" Tanong saamin ni Riki habang nakasandal siya sa pader.

Jungwon shrugged. "May meeting pa kami sa theatre club,"

Nakatingin kaming tatlo sa kawalan. Sa totoo lang hindi rin naman alam kung bakit nagsstay pa kami rito.

"Teka, ihi lang ako," Paalam ko kay Won when I suddenlg had the urge to pee.

Didiretso na sana ako sa restroon ng floor namin pero pinigilan ako ni Won, saying na sarado raw dun kasi may ginagawa. So I went to the restroom upstairs.

Iilang grade 12 students nalang naman ang nasa taas so walang tao sa banyo.

Binilisan ko pa ang kilos ko kasi nawawalan na ng tao s floor. And when I was about to step out of my cubicle, kaagad din akong napabalik nang makita ko si Kuya Sunghoon na biglaang pumasok.

"Sunoo," He tried to called me pero parang nabingi ako kasi ang naririnig ko lang ay ang bilis ng kabog ng puso ko.

Bakit sa lahat ng lugar, sa banyo pa?!

"Usap tayo," Seryoso niyang sabi. Sinubukan niyang hilahin yung pinto pero hinigit ko naman yon.

"Ano ba?! Ji-jingle pa ako!" Sigaw ko saka ko hinila ng buong lakas ko yung pinto para masara ko sa loob.

"Buksan mo na kasi, nakita kong palabas ka na kanina, eh!" Sigaw rin niya pabalik. Nakita ko na lumusot yung sapatos niya sa cubicle ko so I was guessing na pilit din niya hinihila sa kabilang side.

"Natatae pa ako!" I shouted. Pinilit ko paring hinila yung pinto ng cubicle. Parang akong umiire para lumabas yung tae ko para lang maipilit kong mahila sakin yung pinto.

"Problema ba yon? Hihintayin kita," Pangungulit pa rin niya. Halata pa rin sa boses ni Kuya Sunghoon na ginagamit niya yung buong lakas niya para mahila yung pinto.

Pakiramdam ko kami ang makakasira ng pinto ng cubicle na to.

"May meeting pa kami sa theatre club!"

"Meeting para saan? Diba puno lang lagi role mo dun?!"

Binitawan ko yung pinto, and bigla naman siyang natumba sa sahig. Mabuti nalang---mabuti nalang talaga tuyo yung floor ng banyo.

I took that as the chance para mailock ko yung cubicle ko, and I just sat there.

Nanahimik na sa loob ng banyo.

I sat there and waited.

Narinig ko ang dahan-dahang paggalaw mula sa kabilang side, and I could hear Kuya Sunghoon inhaling a deep breath.

Akala ko nga aalis nalang siya bigla, pero kinatok pa niya ako.

"Gusto kitang kausapin, please." He softly said. For a second--for a second lang naman, kusang gumalaw yung mga kamay ko, akmang bubuksan na yung lock, pero pinigilan ko ang sarili ko.

Kakausapin niya ako para sabihin na huwag na akong umasa? Na mali ako ng akala sa mga actions niya sakin? Na kaibigan lang talaga?

I didn't answer. Nanatili lang akong tahimik.

"Okay. Sige." He started. "Talk to me if you're ready. Hindi na kita pipilitin. Hindi na kita kukulitin--actually, no. Kung gusto mong kalimutan ko yung sinabi mo, I can do that. Wag mo na akong iwasan."

Pwede Ba Tayo?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon