Part 15

10 2 0
                                    

SUNGHOON'S.

Ano nga ulit ang sinasabi nila na kapag masaya ka? Yung kapag sunod-sunod ang kasiyahan mo, ang ibig sabihin daw nun ay may kapalit yun na hindi kanais-nais.

Medyo naniniwala na ako don.

Pagkarating ko sa bahay ay nanginginig akong sinalubong ng mga kasama namin sa bahay. They were looking at me, terrified.

"Ano pong...nangyayari?" Tanong ko sakanila, but they couldn't speak properly. They were shivering in fear.

"Kanina pa po kayo hinahanap ni Vice mayor, sir. Nagwala po..." sabi ng kasambahay namin.

At that moment, nakaramdam na ako ng takot. Nagsitayuan na ang mga balahibo ko sa katawan, ang I couldn't think straight.

May nagawa nanaman ba akong mali?

tw. abuse. ‼️

SUNGHOON'S

Humugot ako ng malalim na hininga bago ako pumasok sa loob ng bahay.

Hindi ko mapigilan yung panginginig ng bibig ko, pati na rin yung pagtibok ng puso ko ay unti-unti na ring bumibilis.

Hindi ko pa nakikita ang papa ko, pero alam ko na ang itsura niya.

When I stepped into our house, ang daming bubog na nakakalat. Sa sala palang ang dami nang maliliit na piraso ng parang nabasag na pinggan, at sa sahig naman ay may isang malaking bouquet na punong-puno ng bulaklak na mirasol ang pumukaw ng atensyon ko.

Pero lasog lasog na ang mga bulaklak. Parang tinapak-tapakan at hinampas-hampas na kung saan-saan.

"Kalma lang..." Bulong ko sa sarili ko. I bit my lip and closed my eyes, trying to calm myself down.

Ramdam ko na ang pangingilid ng luha ko. Pero nakakainis lang kasi naiiyak ako sa mga bagay na hindi pa naman nangyayari, pero alam kong mangyayari.

"NASAAN NA SI SUNGHOON?!" Dumagundong sa buong bahay ang sigaw ng papa ko.

Nabigla ako sa kanyang sigaw kaya napapikit nalang ako.

"ISA!" Simula niyang bilang kaya dali-dali akong umakyat papunta sa kung saan ko narinig na nanggaling ang boses niya.

"Eto na po, eto na po!" Sigaw ko habang paakyat ako. May tumakas na iilang luha galing sa mga mata ko pero agad ko rin naman yun pinunasan.

Binilisan ko ang mga yapak ko dahil sa pag-iisip na baka ibang tao ang pagtuunan niya ng galit niya. At ayaw kong mangyari yun.

Nasa labas palang ako ng pinto ng kanyang kwarto at kitang-kita ko na ang nangingnig naming mga kasambahay, at nang magtama ang mga tingin namin, para silang nawalan pa ng kulay sa mukha.

Lumapit ako sakanila, but they were signalling me to go down at umalis ng bahay. Ilang beses nila akong inilingan at sinenyasan na wag akong pumasok sa kwarto ng papa ko, pero ayaw ko rin naman na sakanila ibubuhos ang galit.

So I mouthed, "Magiging ayos lang po ako," and gave a small smile.

Sana nga.

tw. abuse. ‼️

SUNGHOON'S.

Nang may marinig akong malakas na humampas sa pader ay lumapit na ako sa mga kasambahay namin saka ko sila sinenyasan na umalis na.

And when I stepped into the room, kaagad kong naramdaman ang pagtama ng katawan ko sa sahig dahil sa malakas na suntok.

Umikot sandali ang paningin ko, at doon ko lang naramdaman ang sakit sa kanang pisngi ko. Lalapitan sana ako ng mga kasambahay namin pero sumigaw ulit si papa. "Wag niyong tutulungan yang bastos na bata na yan!"

Pwede Ba Tayo?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon