Part 6

15 2 0
                                    

SUNOO'S

My heart was beating rapidly habang nasa biyahe papuntang hospital. Mabilis naman magpatakbo yung ambulansya, pero bakit parang ang bagal pa rin?

"Sir, baka pwede pong pakibilisan..." Sabi ko sa driver. Nanginginig ako ngayon. Sa takot? Sa kaba?

Ang lakas ng pagkakahampas sa may bandang gilid ng ulo ni Kuya Sunghoon. Wag naman sanang magkaroon ng komplikasyon.

I'd be more than happy to hear na nahimatay lang dahil sa impact, at hindi dahil sa ibang bagay. That's a lot better.

Nang makarating kami sa emergency room, agad siyang in-examine. The nurse asked me a few questions. Kung anong pangalan ng pasyente at kung anong nangyari.

May dalawang districti police rin ang nagtanong saakin kung anong nangyari. They even showed me pictures para ituro kung sino don. Turns out, ilang beses na pala siyang nakulong, isang attempted murder.

Muntik na akong mawalan ng hininga. I could've died. We could've died.

I was still in shock. I was seated sa may entrance ng emergency room. It's been a whole damn hour.

"Park Sunghoon's guardian?" The nurse came ouf of the emergency room, and when I heard his name, kaagad akong tumayo sa kinauupuan ko.

The nurse started explaining things na hindi ko maintindihan. All I could comprehend was Kuya Sunghoon's fine, at sadyang nahimatay lang dahil sa impact.

I breathed out. Kahit papano, I felt at ease. "Pwede naman na pong puntahan?" I asked and she nodded. Sinabi niya rin na baka magising na rin siya.

I haven't texted my friends yet. Si mama palang. She sent me multiple messages kung anong nangyayari, kung nasan ako at kung ligtas lang daw ba ako, pero sinabi ko nalang na puntahan ako sa hospital.

At this point, I don't have the energy to even type.

Sa emergency room, the beds were separated by dark green curtains so may privacy pa rin bawat pasyente.

I sat beside Kuya Sunghoon and just stared at him quietly. May cold compress na nakalagay sa kung saan siya natamaan, pero wala namang IV na nakalagay sa kanya.

For about 20 minutes, unti-unti na niyang binuka ang mga mata niya. Kaagad akong lumapit sa higaan niya.

"Kuya?" I called.

He winced. Hinawakan niya yung ulo niya saka niya inalis yung cold compress. "Sobrang lamig naman," reklamo niya kaya medyo natawa ako.

Upon hearing me chuckle, napatingin siya saakin so napatikom ako ng bibig.

"Okay ka na?"

"Okay ka lang?" He asked me at the same time.

I cleared my throat. "Ako, okay lang ako, kuya. Eh ikaw? Ikaw tong nahampas sa ulo,"

"Mabuti okay ka," Sabi niya. He relaxed himself in his bed pero agad din siyang napabangon. "Teka, anong oras na?"

"Mag 9:30--"

"Owshit--" He muttered under his breath saka siya nagmadaling bumaba ng kama. Muntikan pa siyang tumumba ulit kaya hinawakan ko siya sa magkabilang braso niya.

"Bakit ka ba nagmamadali?" Tanong ko.

Bumalik siya sa pagkakaupo sa kama saka niya hinawakan yung ulo niya. "Naalog ata utak ko,"

"Malamang sa malamang. Buti nga hindi ka naalisan ng ulo," sabi ko saka na rin ako bumalik sa pagkakaupo ko. "Bakit ka sumunod? Paano mo nalaman na nandun ako?"

Pwede Ba Tayo?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon