SUNGHOON'S
"I told you to stop using your phone. Kukuhanin ko yan." Naitago ko ng di oras sa bulsa ko yung cellphone ko.
I cleared my throat saka ako siya tinignan. "Pasensya na po," Sabi ko. But it seemed like he didn't hear it kasi lumapit saamin yung amigo niya.
He pulled me closer to him saka niya ako inakbayan. "Kamusta, amigo? Vice mayor ka na," Sabi ng hindi ko kakilalang kaibigan ni papa.
Hinigpitan niya ang hawak saakin. "Mabuti naman ako. Anak ko, si Sunghoon." Pakilala niya saakin.
"Oh, ang gwapong bata," Komento niya.
"Hindi lang gwapo ang anak ko, amigo. Matalino rin. Student Council president din yan," Proud na kwento ni papa.
With what he said, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Should I be happy? Dapat ba ikatuwa ko yung pagmamayabang niya sakin bilang anak niya?
Gustong-gusto ko nang umalis dito. Bakit ba kasi kailangan nandito ako? Hindi naman ako tatakbo ng mayor.
But then again, papagalitan lang din ako pag hindi ako tumuloy. At pag umalis ako kaagad.
Kalahating oras pa sila nagkwentuhan bago magpaalam si papa nang may makita siyang kakilala niya. Akala ko nga hahayaan na niya akong umalis, pero akbay-akbay niya pa rin ako hanggang sa makapunta kami sa isa niyang kakilala.
Buong gabi ay pilit lang akong ngumiti. Kating-kati na akong hugutin yung cellphone ko mula sa bulsa ko. Gusto ko pa sanang kausapin si Sunoo, o di kaya si Heeseung...
Oo nga pala. Hindi pa kami magkakaayos.
Nanatili nalang akong nakaupo sa lamesa ni namin ni Papa habang siya ay nakikipagkwentuhan sa iba niyang kakilala.
Puro politika ang pinag-uusapan nila. Wala naman akong alam diyan kaya nanahimik nalang ako at kumain.
"Balita ko tatakbo ka bilang gobernador?" Nanlaki ang mga mata ko at napatingin kay papa. Tinignan niya ako sandali, yung tingin na nagsasabing makisabay muna ako at sasabihin niya rin lahat mamaya.
Um-oo siya sa nagtanong sa kanya. At pagkarating naman namin ng kotse ay humugot siya ng malalim na hininga.
"Tatakbo ako ng gobernador." Mariin niyang sabi. Napalunok ako. Parang alam ko na kung saan to papunta.
"Wag na wag kang gagawa ng kalokohan. Nakadawit ang pangalan mo sa pangalan ko. Ayaw ko na maulit yung nakipagbasag-ulo ka para sa lalaki na iyon. 'Yon na ang una at huling beses. Nagkakaintindihan?" Tuloy-tuloy niyang sabi. Kalmado naman siya magsalita pero bakit gusto kong manginig sa takot?
Tapos naisama pa niya sa usapan si Sunoo. "Siya nga pala," Pahabol ni papa. "Balikan mo si Gaeul." Sabi niya atsaka na niya ako hindi kinausap pa.
SUNOO'S
Ako yung unang nagbaba ng tawag. Kahit na hindi nagtagal yung usap namin ng isang minuto, hindi ko parin maalis ang ngiti sa labi ko.
Ang ganda ng boses niya. His voice sounded sleepy but was the most beautiful. Para akong batang hinehele para makatulog.
It's his voice that I wanted to hear everyday. Kahit simpleng "hi" o "hello" lang.
Gago. Ang lakas na ng tama ko.
A few seconds later, may message nanaman siya saakin sa twitter. Binasa ko pa yun ng ilang beses bago ako nakuntento atsaka ako napangiti ng todo.
My heart felt happy. Hindi ko mapaliwanag ang nararamdaman ko.
BINABASA MO ANG
Pwede Ba Tayo?
Fiksi Penggemar☆PWEDE BA TAYO? • sunsun au • wherein kim sunoo, a junior highschool student who's part of the theatre and arts club, has a major crush on the school's top ranking student council college president, park sunghoon. ~ This is where I dump my twt au na...