SUNOO'S
I swear I saw him stiffened. Parang hindi niya aakalaing may tatawag sa kanya ngayon. Tapos ako pa yung tumawag.
Akala ko nga magkukunwari siyang hindi ako narinig at aalis nalang bigla, but he turned around and stopped in his tracks, waiting for me to approach him.
Napalunok ako. Biglang umurong yung mga salita na gusto kong sabihin. My heart started beating loudly inside my chest. Bigla akong kinabahan.
Pwede bang umatras? Biglang hindi ko kaya ngayon. Pwede bang paki-resched nalang?
I stood still in my place for an estimated 2 minutes. Pero nanatili lang siyang nakatingin saakin at naghihintay. Sa palagay ko, parang gusto niya rin akong kausapin.
Habang naglalakad ako papunta sa kanya, palakas nang palakas yung kabog ng dibdib ko. Wala namang ibang estudyante malapit saamin pero parang nabibingi ako sa sobrang ingay.
"Kuya," Tawag ko sa kanya pagkalapit ko. He was just staring at me. But his stare was nowhere near cold.
He was looking at me with sad eyes. Parang biglang may namuo sa loob ng dibdib ko, and it became harder to breath. Pinigilan ko naman, eh. Pero biglaan nalang akong naiyak.
"Kuya," I called again. Yumuko ako saka ko tinakpan ang mukha ko gamit ang dalawa kong kamay.
Puta? Bakit ako umiiyak? Wala to sa plano! Sunoo, tumigil ka na, ngayon din!
"Sunoo," He called my name with a soft voice. Naglakad siya papalapit saakin saka niya ako hinagod sa likod. His hand was warm. Parang mas lalo kong gustong umiyak dahil sa ginagawa niya.
"Kuya, sorry." I mumbled. I couldn't understand what I was saying kasi panay ang hikbi ko. But I hope he understood me.
"Wag kang umiyak, naiiyak na rin ako." Marahan niyang sabi habang hindi pa rin tumitigil sa paghagod sa likod ko.
I felt relieved because of the way he spoke. He didn't sound angry. Naramdaman kong gumalaw si Kuya Heeseung saka siya may kinuha sa bulsa niya, and then handed it to me.
Nanlalabo pa rin ang paningin ko. Mabilisan kong pinahid ang luha ko para tanggapin ko yung panyong inaabot ni Kuya Heeseung.
"Salamat, kuya." Sabi ko saka ko pinunasan ang buong mukha ko. Matiyaga niya lang akong hinintay matapos. And when I was done, I almost had the urge to cry again with the way he's looking at me. Pero pinigilan ko na ang sarili ko.
Huminga ako ng malalim. "Kuya, sorry kung sa birthday mo pa nangyari. Sa dinami-dami ng araw, doon mo pa nalaman--"
"Matagal ko nang alam." Amin niya bigla kaya natigilan ako.
"...ha?"
Biglang may namuong luha sa mata niya, and he immediately looked up atsaka ilang beses siyang pumikit-pikit para mawala yung luha. "Matagal ko nang alam na may gusto ka kay Sunghoon."
I kept quiet. He said that in a tone na halata mong nasasaktan talaga.
"You know Sunoo, I realized that I never once told you that I like you." Kuya Heeseung said. Inayos niya ang tayo niya saka diretsong tumingin sa mga mata ko. "I like you."
Hindi ko alam ang isasagot ko. Kung anong sasabihin ko. Kung si Kuya Heeseung ang gusto ko, I would be definitely jumping right now. Pero hindi eh.
Wala akong naramdaman.
"Kuya--"
"Ngayon ko lang talaga nalinaw sa'yo na gusto kita. And I'm saying this to you without expecting anything in return." After he said those words, halatang-halata ang pagtaas-baba ng adam's apple niya. Na para bang nilunok niya lahat ng sinabi niya saakin.
BINABASA MO ANG
Pwede Ba Tayo?
Fanfiction☆PWEDE BA TAYO? • sunsun au • wherein kim sunoo, a junior highschool student who's part of the theatre and arts club, has a major crush on the school's top ranking student council college president, park sunghoon. ~ This is where I dump my twt au na...