CHAPTER II

72 1 0
                                    

"IT was an accident, Ma'am Anastasia." Pailang na itong paliwanag ni Santana sa dean ng college nila.

"Natapunan ng kape kasi natamaan ka ng bola?" Taas kilay na tanong ng dean.

"Yes, ma'am. Like I've said." She nodded. Sa totoo lang, puyat siya ngayon dahil pagkasundo niya sa mga kapatid niya kagabi ay dumiretso siya agad sa may BGC para bilihin ang papel niya.

Pagdating niya duon ay naubusan na siya. Nagikot-ikot din siya duon ngunit wala na talaga siyang makita na papel na gusto niya. Pagdating naman niya sa bahay ay tuyo na at hindi na kayang solusyunan pa ang sketch niya dahil nalukot na din ang papel.

"So hindi ka makakapag exhibit?!" Bulyaw ni Ma'am Anastasia. She nodded slowly. "Hindi ito maari, Miss Sison! Ikaw ang main feature ng exhibit sa Friday!"

"I'm sorry, ma'am." Santana apologized. Hindi naman niya talaga kasalanan because it was an accident, pero para hindi na magalit pa ang dean nila, she opted to apologize instead.

"Hindi ako naniniwalang natamaan ka ng bola! What an excuse! Bakit ka naman duon sa gym mags-sketch, Miss Sison? Pakiramdam ko ay dahil hindi mo lamang matatapos ang piyesa mo kaya't naghanap ka ng rason." Bulyaw ng dean kay Santana. An excuse? Hello! Ang laki ng pasa niya sa pisngi niya? Hindi ba niya ito nakikita?

Ang pagkakamali niya ay nakalimutan niya sa desk niya iyong sketch kaya't hindi niya maipakita na malapit na itong matapos. Kahit ganon, medyo nainis siya dito.

Sa totoo lamang, hindi naman required itong exhibit sa kanya dahil tapos na niya ito nuong isang taon pa. Favor lamang ito sa kanya na last week lamang sinabi dahil every proceed na mako-kolekta nila, will go straight to charity. That's why she accepted. Ngayon, pinagmumukha pa siyang sinungaling.

Breathe, Santana.

"I'm telling the truth, Ma'am Anastasia." Sabi nito at tumingin sa mata ng mas nakakatanda. Walang bahid ng kahit anong emosyon ang mukha ni San.

"Very well. Dalahin mo dito 'yong nakatama sayo ng bola, then I'll think about moving the date of the exhibit to next Wednesday." Pinanliitan ito ng mata si San.

"Ma'am—" she begins but was cut off, "I'll give you the rest of the day to bring them to me. You know where to find me. Now, you're dismissed."

Breathe, Santana.

"So, how'd it go?" Tanong ni Gio na nasa labas lamang ng office ni dean.

"Could've been worse." She sighed.

"Pumayag ba na hindi ka sasali?" Tanong ni Gio. Sabay silang naglalakad papunta sa may CS lib para kitain si Erin.

"Dalahin ko daw yung nakatama sakin ng bola. Hindi siya naniniwala, kasi." San explained as they entered the hall.

"'Yang si dean talaga! Pahirap! Favor nga lang ito sayo, makapag demand naman siya!" Inis na sambit ni Gio.

"Well, pumayag naman siyang i-move yung date next Wednesday." Tumaas ang kilay ni Gio sa sinabi ni San, "Pagiisipan daw niya pag napakilala ko king sino nakatama sa akin."

"You'll do it?" Kunot noong tanong ni Gio.

"Do what?" Sabat ni Erin na umakbay bigla kay Gio at San.

"Anastasia wanted to meet kung sino man daw nakatama ng bola dito kay San. Hindi pa naniwala." Gio explained to Erin.

"Wait, sino nga ba?" Tanong ni Erin habang umupo sila sa may table na nandun na ang gamit ni Erin.

"Basketball player ba? Or volleyball?" Tanong naman ni Gio. Nakatingin sa kanya ang dalawang kaibigan habang umiinom naman si Erin ng Red Bull.

Napakunot ang noo nito dahil inaaalala niya, "Basketball. Uh, yung number 3? Araneta?" Napabuga kay Gio si Erin.

SANTANA (SISON IN LOVE #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon