CHAPTER XVI

53 3 0
                                    

"CHEATER!" Sigaw ni Jules kay Santana habang nag-lalaro sila ngayon ng billiards.

2 VS 2 sila, si Jules and Jacob VS San and Tres. Si Eli naman ay busy sa may claw machine.

"I did not cheat!" San said laughingly, paano ba naman talo nanaman ang team nila sa kanila ni Tres.

"Where'd you learn how to play like that, Ate San?" Tanong ni Jacob na naka-ngiti dito. It looks like he's warming up to her.

Kinukuha nila ngayon ang mga bola sa pocket. She smiled at him, "My parents used to play back then. I watched them a lot."

Jacob nodded, "Are they pro?" Sambit nito pag-kabreak ng mga bola.

Natawa naman si San at umiling, "I'll take that as a compliment, Jacob." She smiled at him, "My dad used to be a basketball coach though."

"Oh. What school?" He asked curiously. Pati si Jules at Tres ay nakikinig lamang sa usapan ng dalawa.

San rounded the billiard table habang inoobserbahan ang mga bola, "Ateneo." Tumira ito at sumala, tumingin ito bahagya kay Jacob bago tumayo ng tuwid.

"Really?" Jules rounded the corner, siya na kasi ang titira. "Wala ka ba dyan tips para samin?" He beamed at San.

Tumira din ito pero sumala. Umiling si San, "From a defending champion? I don't think you need them." She chuckled before watching Tres make a shot.

"Kami lang 'to, San." Tumawang sabi ni Jules, "But seriously, we never stop learning." Jules defended and San agreed. Tuloy lamang sila sa pag-lalaro hanggang sa manalo muli sina San.

"Pay up." Singil ni Tres kay Jules at Jacob. Nagpustahan kasi sila na ang matalo ay manlilibre ng kape.

Jules was whining pero nagbigay din naman ng pera. Jacob quietly handed his money to Tres.

Nang tinanong ni San ang gusto ng mga ito sa Starbucks, nagtalo pa si Eli at Jules kung ano masarap na pastry kaya't nawalan ng pasenya si Tres at sinabing sila nang dalawa ang bumili ng gusto nila.

Ayaw pa umalis ni Eli hangga't wala itong nakukuha sa claw machine kaya't umuna na si San at Tres sa Starbucks.

"I didn't know your dad's a coach. Is your mom an athlete too?" Umiling si San kay Tres.

He opened the door for her so she thanked him. "Nope. Tres, will you be fine? Can I go to the comfort room? Mabilis lang." Pagpapaalam nito.

He nodded. "What do you want?"

"I'll have Vanilla Sweet Cream Cold Brew." Tumango si Tres, "Pastries?" Umiling si San at pumunta na sa may comfort room.

Wala din naman masyadong tao kaya wala din pila. Pagkalabas ni San ay naghihintay na si Tres ng order nila sa may counter at may mag-nobyo na mukhang gustong lumapit dito.

"Babe, si Tres 'yan! Promise!" Sambit nang lalake sa kasintahan.

"Weh?" Tanong ng babae at tiningnan mabuti si Tres.

Nasa likod ng mga ito si San kaya't nadamay siya sa usapan, "Miss diba si Tres Araneta 'yun?" Tanong ng lalake sa kanya matapos niyang mag-excuse me para makadaan.

Tumango ito dito at lumakad papunta kay Tres, "Sabi ko sayo, eh! Pa picture tayo!" Aya ng lalaki.

San leaned a little bit to Tres, "Heads up lang, Tres, I think the couple at the back wanted to take a picture with you." Bulong nito kay Tres, para hindi masyadong halata.

She straightened her back to look up at him before grinning playfully, "Just like the play kanina, Captain? Screen ulit?"

Tres shook his head at her kaya't napatawa si San. "Just ignore them. It's what I do."

SANTANA (SISON IN LOVE #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon