CHAPTER VII

53 2 0
                                    

WHEN Santana turned 18 she had thought about this full proof plan. Yung tipong kahit anong ibato sa kanya ng mundo, hindi ito masisira. Mad-delay, pero mangyayari at mangyayari. Inevitable, kumbaga.

1. Graduate College
2. Mag-ipon.
3. Ipangalan ang will niya sa lahat ng kapatid niya.
4. Retire at 40.

She hated surprises with a passion. But she learned to just go with the flow. Pero sure siya na kahit mag adjust man ng kaunti yung 1-4 na plano niya, masusunod pa din ito. Dapat masunod ito.

Nung nagsisimula ng kumita paintings niya, she had a will ready. Because you'll never know. Been there, done that.

She's working on #1 and she's already doing #2.

Naglalakad si San papunta sa may Gym nang nag text sa kanya si Erin na ipagdala daw siya blazer dahil may test run ito. Saktong meron naiwan na blazer si King sa kotse niya, kaya't pupuntahan niya ito ngayong lunch.

Pa-liko na siya sa may hall papuntang gym nang may tumawag sa kanya. Lumingon siya pabalik.

"Miss Sison." Bati nito at tumakbo ng kaunti para makasabay sa lakad niya. "Punta ka gym?"

Tumango naman si San "Numer 23. Hi, and please just San." Ngiti nito at naglakad na sila ng sabay.

"Just call me Eli." Natawa ito dahil number 23 ang tawag ni San sa kanya. "Why are you headed to the gym?"

"To give this to my friend." She raised her arms to show the blazer. "May rehearsals ata kasi yung mga bagong court side reporter."

Pinagbukas naman siya ng pinto ni Eli. She thanked him bago dumaan sa ilalim ng kamay nito na nakahawak sa may taas na parte ng pintuan dahil mabigat iyon at automatic itong nagsasara.

Nakuha agad nila ang atensyon sa gym. Tumahimik tuloy at napatingin ang lahat sa kanilang dalawa. Naka-huddle kasi ang basketball team sa may gitna ng court at sila lang ang gumagamit ngayon ng gym.

A beat passed before someone decided to break the silence, "Elijah, you're late. 15 laps around the court." Napatawa nalang si Eli sa tabi niya.

"Hala, Eli feeling ko tuloy pati ako guilty. Muntik na ako mapatakbo." Mahinang sambit ni San habang nakatingin pa din sila sa mga players sa court.

Natawa ng kaunti si Eli at napatingin kay San bago bumalik ang tingin sa teammates, "Sabihin ko kay Kuya pati ikaw 15 laps?" Ngisi ni Eli sa dalaga na agad namang umiling. "No thank you. Graduate na ako dyan." Natatawang sabi ni San.

"I'll see you later. Good luck sa laps mamaya, mukhang badtrip si Number 3." Pagpapaalam ni San dahil nakita na rin niya naman si Erin sa kabilang dulo ng court. Napailing nalang si Eli habang nakangiti at sinimulan ng tumakbo.

Everyone resumed what they were doing bago sila San pumasok.

Nang nasa gitnang part na siya ng court nag break na ng huddle ang basketball team at nagsimulang mag set up para sa warm ups. Napalingon siya sa court nang may tumawag nanaman sa kanya, "Hi San!" Bati sa kanya ni Jules na kumakaway pa. She laughed a little then waved back.

"OMG ang pa-entrance mo ha! Ang taray!" Biro ni Erin nang makalapit siya dito.

"Blazer mo, madam. Kay King 'yan kaya di ko sure kung kasya sayo. Kakalabas ko lang sa class ko nag text ka." Sabi ni San pagkatapos iabot kay Erin ang blazer.

Niyakap naman ito agad ni Erin, "Thank you, babes!" Halos bumitin na ito kay San kaya't natawa ang dalaga.

Kumalas ito sa yakap nila ni San, "Uy pero nung nagbigay ng drill si Tres kay Eli feeling ko pati ako pinapatakbo. Ang gwapo niya pero ang sungit talaga!" Sabi ni Erin sa kaibigan.

"Ayan din sinabi ko kay Eli. Sabi ko muntikan na ako mapatakbo nung sinabihan siya." Natawa ito bago ituloy ang kwento, "Paano ba naman feeling ko sakin nakatingin dahil mag katabi kami ni Eli." Sabi ni San sa kaibigan.

Natawa ang kaibigan nito bago sabihing "Ah akala ko sinabi mo din na gwapo si Tres." Biro ni Erin habang tumatawa pa din. San rolled her eyes while smiling, "Duon ka na Miss de Guzman. Hintayin kita sa may bleachers."

"Okay! Duon ka sa may taas ah! Ka-light lang ng pasa mo. Sabay ako sayo, dinner tayo nila King. Libre ko." Sabi ni Erin bago ito lumakad papunta sa may set up ng camera.

She walked towards the bleachers. Tinext ito ni Gio na hindi na daw ito makakasunod dahil siya ang nag aasikaso ng paperworks ng exhibit nila dahil nga sa pag m-move ni dean. Head kasi ng logistics si Gio kaya sobrang stress.

She feels bad. Dahil sa kanya kaya nagkagulo nanaman ang schedule nila.

Naupo siya sa third row ng bleachers. Hindi naman kasi siya takot sa bola. From Claude to Kane, lahat ng sport nila ay may bola. Her dad was a basketball coach as well. Mas masakit pa iyong pagtama sa kanya ni King ng volleyball nuong pumalo ito at tinamaan siya sa ulo. Sobrang lakas ng pagpalo ni King nahilo siya. Umiyak pa nuon si King dahil nabigla at natakot din ito sa mga pangyayari, sobrang na guilty dahil natamaan niya ang ate niya.

Pinagmamasdan niya ang drills ng team. Si Eli, tumatakbo pa din sa laps niya. Si Jules naman naririnig niya na kumakanta pa habang nagh-half court sprint. She hated cardio ever since kaya't siya ang hinihingal para kay Jules.

She should've brought a book. Tanging dala niya lamang ay ang planner niya at ballpen. Elective kasi iyong class niya kaninang umaga, kaya wala masyadong gamit.

She unknowingly opened her planner to sketch. Nung tumingin ulit ito pagkatapos ng ilang minuto ay break na ng mga nagt-training.

"Can we talk?" Nagulat siya dahil meron na pala siyang katabi. Nalaglag niya tuloy yung planner niya.

"You scared me." Natatawa nitong sabi habang pinulot ang planner nito at pinulot naman ni number 3 yung ballpen niya. "Sorry, hindi kita napansin."

"Sorry, I startled you. You were pretty engrossed with what you're doing hindi mo ako napansin." Number 3 explained pagkabigay nito ng ballpen sa kanya.

"Thanks." Tinangap ito ni San. "Is this about the exhibit?" She tilted her head to look at him directly.

"It is." He was the first one to break the eye contact. Humarap ito sa mga ka-team na umiinom ng tubig sa may kabilang bench. "I apologize again for ruining your exhibit piece."

"Forgiven. And it was an accident, don't sweat it. Atsaka I'm planning on skipping it." Sambit ni San habang humarap din sa court at pinanonood si Eli at Jules mag stretch.

Number 3 turned to her, "You don't want me to be your muse?" Then for the first time she saw him, his lips curled into a boyish smile.

Natawa si San, "Bakit? Papayag ka ba?" Taas kilay nitong tanong habang nakangiti.

SANTANA (SISON IN LOVE #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon