CHAPTER XLVI

36 3 0
                                    

SANTANA was eyeing Kuya Robert in amusement.

Hindi kasi ito mapakali dahil pinilit ni Santana na siya nalamang ang mag maneho papunta sa church para sa mass ng ashes ng lola nila.

"Kuya Robert, ayos lang po talaga. Magaling naman akong mag maneho." Sambit ni Santana habang pinaandar nito ang sasakyan.

"Ma'am Santana naman eh. Parang mali po kasing ikaw ang pinapagdrive ko." Napakamot ito sa ulo. Nahihiya pa din dahil sa biglang pagpalit nila ng pwesto ni San.

Santana smiled brightly at him. Hinihintay nila ngayon si Ate Terry na nagbibilin pa sa iba nilang kasambahay.

When Santana went home after she brought Kidlat and the twins to school, nag aasikaso na sila Ate Terry at Kuya Robert ng mga kailangan nilang gawin ngayong araw.

When she woke up from her nap, walang tao sa bahay nila kundi ang ibang staff dahil hindi pa din ang mga ito nakakabalik. She felt guilty dahil hindi man lamang siya makatulong. So in her own way, para makapahinga man lamang ang dalawa ay nag volunteer na siyang siya ang mag mamaneho.

"Miss Santana, mukhang masigla ka na ulit." Pansin ni Ate Terry habang sumasakay sa likod ng pick up niya.

"Paano binisita ata si Ma'am Santana ng nobyo niya kaninang madaling araw." Bulong na sambit ni Kuya Robert ngunit narinig pa rin ito ni San at Ate Terry.

"Kuya!" Santana flushed in embarrassment. Kuya Robert rarely talks, let alone joke, kaya't doble doble ang hiya niya.

"Narinig ko kay Ma'am Hari kanina habang tinatanong kay Sir Kidlat kung bakit siya nakabusangot." Kuya Robert said sheepishly. Napatawa naman si Ate Terry sa likod.

Ang daldal talaga ng mga kapatid niya. Isip ni San.

The whole drive to the church was pleasant. She felt really light after her nap. But that was quickly changed when she went out of the car.

"Ate Terry, please tell me hindi yan yung kasunod natin kanina." Bulong nito sa tabi ni Ate Terry.

"Mandatory security details, Miss." Sagot nito bago pumasok na sa church.

Slack jawed, she turned to Kuya Robert. "Kuya bakit ang dami nila?" She asked in horror.

Paano ba naman, alam niyang may convoy sila kanina pero hindi niya alam na tatlong SUV ang naka sunod sa kanila.

"Bibisita ba ang presidente?" She asked incredulously. The most VIP person at the moment was probably inside the churt at ililibing na. There was just no need for this much security.

"Masasanay ka din, Ma'am Santana. Yung lola mo dati, apat palagi ang convoy." Sambit ni Kuya Robert.

Unbelievable. No one even knew they existed until their lola died. There's just no way they needed this much body guards.

She would have to talk to the lawyers because there's just no way she could get use to this. It was so unnecessary and excessive.

Pumasok si Santana na nawala na sa mood dahil sa entourage nila. The security was also dressed in their freaking suits, with matching in-ears and radios pa. It's just too much.

Umupo siya sa tabi ni Ate Terry na nakasimangot as the mass started. It went by smoothly as far as funerals go. Now they're on their way to rest the urn near her mother's.

Santana felt bad for their lola. There was no one to grieve her. No one in their vicinity was shedding a tear for loosing her. It was almost uncomfortable at how quiet the whole ceremony was.

"San?! Ikaw ba 'yan?" A voice to their right said. They were making their way back to the car nang may tumawag sa kanya.

Santana turned to see who the owner of the voice was. "Gio?" Gulat na sambit nito.

SANTANA (SISON IN LOVE #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon