♕CHAPTER 40♕

3.7K 101 8
                                    

VIGGO

♕♕♕

Sa pagdilim ng paningin ko, bigla kong na alala ang laging sinasabi ng aking ina noong bata pa ko.

Na wag ka masyadong maging masaya dahil kapalit nu'n ay luluha ka.

Na parang kanina lamang sobrang saya ko pa dahil sa binuksan niya na ang puso niya sa 'kin, sinabi niya na ang sikreto niya at wala nang nililihim pa.

Nakita ko siyang masaya at panay ang tawa habang nakikipagsayaw sa 'kin, hawak ang kamay ko at sumasabay sa musika.

Pero ngayon, tanging nakapikit niyang mata at maputla niyang mukha ang nakikita ko sa aking harapan na para bang walang buhay na bangkay na kahit anong gawin mo ay hindi na maibabalik pa.

Nanlalamig ang buo kong katawan at hindi na makagalaw sa kinatatayuan ko, kahit na gusto kong sumugod para maligtas siya, 'yung tuhod ko, 'yung buto ko parang binibiyak at hinihiwalay sa laman ko na sobrang sakit kaso hindi ko magawang sumigaw o mamilipit sa sakit, dahil pakiramdam ko wala nang mas sasakit pa na makita siyang unti-unting nawawalan ng buhay sa aking paningin.

"Viggo!" Rinig ko sigaw ng pamilyar na boses at bigla na lang na wala si Cana sa harapan ko at sa kamay ni Felipe, nakita ko na lang na unti-unting tinatangay ng hangin ang katawan niyang unti-unting nagiging abo.

Napatulala ako, hindi ko alam anong akto ang gagawin ko dahil pakiramdam ko unit-unti na rin ako nawawalan ng dahilan para mabuhay.

"Viggo kaya mo bang tumayo?!" Napatingala ako kay Achlys at buhat-buhat niya na si Cana sa kaniyang kamay.

Napahawak ako sa leeg ko at nakitang naroon pa ang kadena na nagdudugtong sa aming dalawa kaya naman nagkaroon pa ako ng pag-asa na buhay pa si Cana.

"Dalian natin, kailangan nating dalhin si Kiera pabalik sa Majiro kingdom!" Sigaw niya at otomatiko namang lumaban ang katawan ko sa sakit na kumakain sa sistema ko.

Nakita ko si Achlys na masamang tumingin sa mga kalaban ko kanina na halatang takot na takot sa presensya ng dragon na nasa harapan nila ngayon, tatakbo pa sana sila at akmang tatakas nang bigla silang hagisan ni Achlys ng itim na apoy.

Nilamon ng itim na apoy ang kanilang katawan at kahit anong gawin nilang pagpatay rito ay hindi ito umaalis o na pupugnaw na para bang gaas ang katawan nila na dahilan para lalo pa itong lumakas at uminit na nagdulot sa mabilisan nilang pagkasunog.

"Ang lakas ng loob niyong kantiin ang kaibigan ko!" Sabi niya at isa-isang nagsigawan ang mga bampira dahil sa itim na apoy na hindi na namamatay kahit anong gawin nila.

"Saka lang mamatay ang apoy na 'yan kung abo na ang bagay na sinusunog ninto," sabi niya sabay talikod sa kanila at biglang pinasak sa bibig kong ang braso niya.

"Kagatin mo dali!" Hiyaw niya at ginawa ko naman ito. Napahawak ako muli sa aking leeg hindi para tignan ang kadena na nagdurogtong rito kung hindi dahil pakiramdam ko sinusunog din ng itim na apoy na iyon ang lalamunun ko dahil sa pag-inum ko sa dugo niya.

"Tiisin mo, aalisin ng dugong iyan ang lasong nakunsumo mo," sabi niya at mabilis na nawala sa harap ko habang dala-dala niya si Cana at mabilis na pumunta sa Majiro Kingdom.

Blood Contract with her Royal VillainessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon