♕VIGGO♕
♕ ♕ ♕
Nakaupo siya sa harap ng beranda, may hawak na tsaa at libro sa kaniyang isang kamay. 'Yung mga hibla ng kulay chocolate niyang buhok ay malumanay na tinatanggay ng hangin na preskong galing sa labas.
Panibagong araw, panibagong memorya kasama siya.
Nakaupo ako sa sofa at tinitignan lang ang ginagawa niya, hindi niya ko pansin dahil tuwing hawak niya na ang mga librong kaniyang binabasa ay tila ba nakakalimutan niya na ang paligid niya.
Ganito si Kiera, ganito ang babaeng hinahangaan ko.
Hindi ako magsasawa na titigan siya kada sasapit ang umaga at kakain siya ng umagahan niya habang nagbabasa ng mga librong paborito niya.
'Yung mapungay niyang mata na kakulay ng dyamante na kung tawagin ay emerald, 'yung mapula niyang labi na at kulay rosas niyang pisnge, 'yung mahaba niyang buhok na aabot sa kaniyang bewang at 'yung mga ngiti niya tuwing may bago siyang impormasyon na makukuha.
Iyon na ata ang pinaka maganda kong tanawin na nakikita, ito 'yung nais kong protektahan, nais kong ingatan at nais kong sa 'kin lamang.
Hindi ko alam anong dahilan, kung kailan nag umpisa ang ganitong pakiramdam ko para sa kaniya, hinahayaan ko na lang ang sarili kong mahulog sa kaniya kada araw na lumilipas na kasama ko siya.
Gusto kong maingatan siya, gusto ko siya ilayo sa ano mang problema. Pero kahit anong gawin kong pag-iingat at pagpigil sa kaniya na lumayo sa tabi ko, wala akong magawa kung hindi sundin ang utos niya na manatili sa pwesto ko.
Kahit anong gawin kong kulong sa kaniya ay lilipad at lilipad pa rin siya na parang ibon na nais makawala sa hawla.
Kahit anong pigil ko, kailangan niyang lumipad sa kung saan wala ako, sa kung saan hindi ako kasama sa mga planong binubuo niya.
Alam kong kahit halos magkakalahating taon na kaming magkasama ay hindi ko pa rin siya lubos na kilala.
Alam kong hindi pa siya 'yung Kierang sinasabi nila, may kakaiba sa kaniya na hindi ko mahagilap.
Mga bagay na tinatago-tago niya.
"Magandang umaga my lady," narinig naming bati ni Miranda habang dala ninto ang pamalit sa kobre kama.
Ibinaba niya ito sa higaan ni Kiera at may inabot sa 'kin dyaryo saka ko naman ito inabot kay Kiera.
"Ang bilis naman ng balita, kumalat na agad sa buong empire ang ginawa ko?" Tanong niya habang binabasa ang mga artikulo na tungkol sa kaniya.
"Mabilis talaga kumalat ang balita lalo na't ilang taon na raw hindi nasusulusyunan ang problema na ikaw lang ang nakaresulba," sagot ko sa kaniya at umupo sa kaharap niyang upuan.
"Totoo my lady, isa pa nagsisimula na rin ang minahan at sobrang daming mga noble ang nais kang makilala at makanegosyo," dagdag naman ni Miranda habang inaayos ang higaan ng amo niya.
Napatingin ako kay Kiera at binabasa niyang maige ang mga artikulo na ukol sa kaniya, hindi mo makikitaan ng tuwa ang mukha niya kahit na baliktad na ang tingin ng tao sa kaniya bilang isang Villainess noon at isang milyonaryo ngayon.
BINABASA MO ANG
Blood Contract with her Royal Villainess
VampirgeschichtenEMPIRE SERIES 2 Cana Annalis Smith- isang achelogist student at mahilig magbasa ng kasaysayan ng kanilang bansa at ng dati nitong emperyo. Nahumaling siya sa isang libro itim na nagsasaad ng kakaibang kwento na hindi niya pa nababasa sa kahit ano ma...