♕CHAPTER 8♕

6.3K 218 10
                                    

CANA ANNALIS

Isang lalaking nakamaskara rin ng payaso ang lumapit sa 'kin, hindi siya ang host ng event na ito dahil iba ang kaniyang suot na maskara na agad kong na pansin, inaya niya kong sumama sa kaniya patungo sa isang pribadong kwarto kung saan nila ibibigay sa 'kin si Viggo.

"Maaaring mag-intay ka muna rito Ms." saad ng lalaki at tumango naman ako, umupo ako sa isang sofa na kulay pula at inilibot ang aking paningin sa loob ng silid.

Puno ng kulay pula, itim at ginto ang buong kwarto, parang chess board ang tiles na nakalatag sa paanan ko at marami ring antigong gamit ang nasa loob ng silid.

Huminga ako nang malalim, kahit na alam ko na kung pano tatakbo ang storyang ito ay kabado pa rin ako sa ideya na mag-isa lamang ako at wala man lang kahit anong dala para proteksyonan ang sarili ko.

Pero pilit kong kinalman ang sarili ko dahil alam kong ganitong-ganito rin naman ang nangyari sa loob ng libro, wala namang masamang mangyayari sa 'kin dito depende na lang kung hindi ko mapasunod si Viggo.

*tok tok*

Isang katok ang narining ko mula sa pinto at agad din naman itong bumakas saka ninto niluwa ang mga lalaking nakasuot din ng maskara ng payaso, halos limang lalaki ang bumuhat sa kabaong na pinaghihimlayan ni Viggo.

"Narito na po ang vampire slave Ms," saad ng isa at tumango naman ako, may inabot din siya sa 'king isang kasulatan at katibayan na binili ko si Viggo sa ganoong halaga.

"Paalala lang po na pagtinggal niyo ang mga talisman na bumabalot sa kabaong na 'yan ay dapat agad niyong mapatakan ng inyong dugo ang kaniyang labi," saad niya at tumango naman ako.

Kumuha siya ng isang matalas na balisong at inabot sa 'kin ito, tumango siya sa 'kin at kabado ko naman itong inabot.

"Ang nilalang na iyan ay nabubuhay sa dugo kaya kung nais mo siyang panatilihing kalmado ay dapat mapainum mo siya ng kahit isang beses sa dalawang linggo, ang uri rin na bampirang ito ay tinatawag na vampire slave kaya kahit anong mangyari ay hindi ka niya masasaktan hanggat ikaw ang master niya," paliwanag ng kakapasok lang na lalaki, siya 'yung host sa naganap na auction kanina.

"Naiintindihan ko," sagot ko at tumango naman silang lahat saka ko inabot ang isang bag na puno ng zeno sa kanila.

Lahat sila ay yumuko sa harap ko saka nilisan ang silid, lumapit naman ako sa puting tela na nakataklob sa kabaong ni Viggo saka ito hinila.

Agad na tumambad sa 'kin ang magandang mukha ni Viggo, hindi ko maitatanggi na sobrang gwapo talaga ng lalaking ito at nakakamangha na makitang totoong may mga bampira sa panahon na 'to.

Bahagya akong lumuhod sa harapan ng kabaong niya at tinitigan ang bawat talisman na nakadikit rito, tinignan ko rin ang balat ni Viggo na halos nagkukulay violet na at kitang-kita ang kaniyang ugat.

Sa pagkakaalam ko may limang uri rin ang mga bampira, ang pinakamataas sa kanila ay ang mga pure blood na sobrang lakas at kayang kontrolin ang gutom nila, sumunod naman ay ang mga day walker o 'yung mga bampira na kayang mabuhay sa ilalim ng araw, pangatlo ay ang mga converted vampires na hindi pure blood at dating tao na naging bampira, sunod sa huli ay ang mga half blood o 'yung anak ng tao at bampira.

Blood Contract with her Royal VillainessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon