♕CANA ANNALIS♕
♕♕♕
Malakas na ugong ng trumpeta ang umalingawngaw sa buong hunting event, isang hudyat na tapos na ang tatlong oras para sa mga kalalakihan upang manghuli ng mga hayop na kanilang ibibigay sa mga binibini bilang puntos.
Lumabas na kami ng tent kasama ang Duchess para salubungin ang Duke at si Viggo, habol tingin ko rin sa mga kalalakihan na dumarating si Achlys dahil sa hindi pa rin ito bumabalik kanina pa.
Kinakabahan na nga ako kung saan ba nagsuot ang dragon na 'yun o kung anong kalokohan na ang ginagawa niya ngayon kaya hindi ko maiwasan mag-isip at mag-alala hindi para sa kaniya kung hindi para sa mga tao ngayon sa hunting event.
"Nariyan na sila," rinig kong sabi ng isang noble lady sa tabi ko at nakita namin na isa-isang nagdaratingan ang mga kalalakihan palabas ng gubat at kaniya-kaniya ito ng dalang mga hayop na kanilang huli.
Bawat kalalakihan ay dumidiretsyo sa kanilang pag-aalayang binibini at ibinibigay ang kanilang huli rito.
"Aba mukhang si lady Keisha na naman ang mananalo sa hunting event na 'to," rinig kong usapan ng mga kababaihan at nang tignan ko kung na saan ang magaling kong kapatid ay kita ko kung gano karaming mga offering ang ibinababa sa kaniyang paanan.
Halata sa mukha niya ang tuwa sa dami ng kalalakihan na nag-aalay sa kaniya. Siya ang tinaguriang hunting queen nung nakaraang taon dahil hindi pa naman kasali si Diana nung nakaraan taon pero kung kasali ang prinsesa ay for sure ito ang mananalo.
"Ang daming offering ni lady Keisha, bakit walang nagbibigay sa lady namin?" rinig kong inis na tanong ni Miranda at napailing na lang ako.
Para naman gusto kong bigyan ako ng patay na hayop sa harapan ko at gawin itong dekorasyon sa bahay o damit, sa totoo lang hindi ako sang-ayon sa pagpatay nila sa mga hayop dahil sa panahon namin ay pinagbabawal ang ganito pero kasi isa itong tradisyon sa panahon na 'to kaya hindi naman ako maaaring umangal.
"Totoo ba nakikita ko? Nakahuli ang duke ng puting soro (white fox), hindi ba mahirap makahanap ng isang albino?" Rinig kong kaguluhan ng mga nobles nang makita nila ang duke ng Romulus na kakalabas lang ng gubat at may bitbit na tatlong soro at isa rito ay kulay puti.
"Pagbinigay niya ito sa buso niyang anak ay siguradong panalo na ang binibini," dagdag nila at patagong tumingin sa direksyon ko na huling-huli ko naman.
"Grabe wala pang nagbibigay kay lady Kiera," bulungan nila at napailing na lang ako dahil hindi talaga nawawala sa pag-uugali ng mga noble na ito ang pagtsitsimisan.
"Akala ko nga maraming magbibigay sa kaniya dahil akala ko maraming nag nanais na makasosyo siya sa minahan niya, ngunit mukhang lahat sila ay natakot sa kaniya matapos ang pinakalat na insidente ni lady McMillan kanina," tugon ng isa sabay tingin nilang sa 'kin kaya tinaasan ko sila ng kilay at mabilis silang umiwas ng tingin.
Naramdaman ko naman ang tapik ng Duchess sa aking balikat. "Wag mo na lang silang pansinin anak, alam ko bibigyan ka ng iyong papa ng puntos," saad niya at ngumiti naman ako.
Sa totoo lang wala naman sa 'kin kung hindi ako magkaroon ng kahit isang puntos sa palaro na 'to, pumunta lang naman ako rito para may tiga representa ang border.
BINABASA MO ANG
Blood Contract with her Royal Villainess
VampiroEMPIRE SERIES 2 Cana Annalis Smith- isang achelogist student at mahilig magbasa ng kasaysayan ng kanilang bansa at ng dati nitong emperyo. Nahumaling siya sa isang libro itim na nagsasaad ng kakaibang kwento na hindi niya pa nababasa sa kahit ano ma...