♕CHAPTER 46♕

3.3K 96 1
                                    

CANA ANNALIS

♕♕♕

Totoo ba 'yung narinig ko? Tama ba 'yung pagkakarinig ko sa sinabi niya? Gusto niyang humingi ng title bilang noble man sa emperor?

"Nahihibang na ba ang butler ni Lady Kiera? Hihingi siya sa emperor ng title ng wala naman siyang yaman na hawak-hawak o kahit anong napatunayan sa loob ng empire?" Iyan ang mga umaalingawngaw na usapan sa loob  hunting ground dahil sa sinabi ni Viggo sa harap ng emperor.

Patuloy siyang nakaluhod at hindi itinataas ang kaniyang ulo sa harap ng emperor at ni princess Diana habang pinagbubulungan siya ng mga tao sa paligid dahil sa kahilingan niya.

Hindi lingid sa 'kin na imposible ang nais niyang mangyari, kung isa siyang knight na naipanalo ang digmaan ay maaari siyang bigyan ng titulo bilang viscount or marquess pero kung wala naman ibang pagbabasihan sa nais niyang makuha ang malayo na tuparin ng emperor ang nais niya.

"Nais mong maging noble man?" Muling ulit ng emperor at tumango naman si Viggo.

"Yes your majesty, kahit hindi ngayon, kahit hindi niyo ko bigyan mismo ngayon ng titulo basta ipangako niyo sa 'kin na pag dating ng panahon, pag may ibubuga na ko sa high society ay bibigyan niyo ko karapat-dapat na titulo," sagot niya at namangha naman ako sa sinabi ni Viggo.

Pursigido siyang makamit ang bagay na 'yun at halata sa mga mata niyang hindi niya titigilan ang pangarap na 'yun.

Bakit niya ginagawa 'to? Dahil ba sa nais niyang maging karapat-dapat sa tabi ko?

"Osige, tutal ang hiling din naman ni lady Kiera ay ang tuparin ko ang hiling mo, kung kaya't pag natamo mo na ang kinakailangan basihan sa pagiging noble man ay bibigyan kita ng titulo base sa hawak mong kapangyarihan," saad ng emperor at wala nang nagawa ang mga bulungan sa paligid namin kung hindi tahimik na pagmasdan ang mga susunod na halbang ni Viggo.

"Siguro nga totoo ang usapan na may relasyon sila ni lady Kiera kaya gigil na gigil siyang makakuha ng titulo bilang noble man," saad ng isang ginoo na hindi kalayuan sa 'min sabay tingin sa diteksyon ko at tinaasan ko lang siya ng kilay nang magtama ang paningin namin.

Ano naman ngayon kung totoo? At least si Viggo gumagawa ng paraan para maging bagay kami sa mga pamanghusga niyong tingin.

"Maraming salamat your majesty, hindi ko sasayangin ang pangakong ibinigay niyo sa 'kin," saad ni Viggo sa harap ng emperor at tumayo na sa kaniyang harapan.

Inanunsyo ng emperor ang pagtatapos ng kasiyahan at ang mga nanalo sa palarong ito, nagbigay rin siya ng maikling salita para iselebra ang naging mabunga at malagong taon ng ani sa emperyo.

"Hindi pa rin ba nagigising ang heneral?" Pabulong kong tanong kay Viggo habang nanonood kami ng pagsindi ng isang malaking bonfire para sa pagtatapos ng araw na 'to at pagsisimula ng kasiyahan ngayon gabi.

"Hindi pa pero pinakuha ko na siya kay Grimm," saad niya at nakahinga ako nang maluwag.

"Buti nawala sa isip ng mga tao na hindi pa lumalabas ng gubat ang heneral, kung hindi katakot-takot na gulo ang mangyayari kung malaman nila ang katotohanan sa pagkatao ni Heneral Hervaux," saad ko at nahilot na lang ang ulo ko dahil sa dami nang nangyari sa loob lamang ng isang araw.

Blood Contract with her Royal VillainessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon