♕CHAPTER 29♕

4.4K 123 4
                                    

CANA ANNALIS


Dalawang buwan na ang nakakalipas nung una akong lumipat sa border at halos patapos na rin ang pagsasa-ayos at pagkukumpunin sa loob at labas ng kastilyo.

Sa lumipas na mga buwan ay ginugulgol ko ang sarili ko sa paghahanap ng alternatibong paraan para masimulan ko ang isang negosyo na magbibigay sa pangangailangan ng kastilyo at mga taong naninilbihan dito.

Sa mga panahon ding ito ay naghanap na ko ng sulosyon tungkol sa miasma na bumabalot sa kwebang iyon na nais kong gawing minahan dahil sa mga nakatagong dyamante na roon lang makikita.

Hanggang ngayon ay nakasalampak pa rin ako sa harap ng mga librong may kinalaman sa ano mang klase ng miasma ang naganap sa buong Gazina o itong malaking kontinente na kinatatayuan namin.

Ayon sa mga na pag-aralan at nasaliksik ko ay kalimitan daw na pinagmumulan ng miasma ay isang nakakamatay na hangin galing sa gas formation o hindi kaya sa sakit na kumakalat sa lugar, pero para sa 'kin na nakapag-aralan na ng history at isang archeologist student ay wala akong kahit anong natatandaan na pinagmulan ng ganitong phenomenon sa loob ng lumipas na mga taon.

Pero may isa akong librong nabasa na tungkol sa mahika, tungkol sa mga witch na may kapangyarihan ng itim na mahika.

Hindi ko alam kung coincidence lang ba na may ganitong libro si Kiera na kasama sa mga koleksyon niya o talagang inaalam niya ang mga bagay na katulad ninto.

Dahil ayon sa libro, nakakonekta raw ang isang maitim na miasma sa isang myths na nag-uugnay rin sa isang dragon na tinatawag nilang the dark one.

Isang dragon na ikinulong ng sinaunang mangkukulam dahil sa paghahasik ninto ng lagim, tila ba itim na mahika gamit sa itim na dragon.

Hindi ko alam kung totoo ang mga nabasa ko ukol dito pero isa lang ang kasagutan doon, iyon ay ang puntahan mismo ang lugar upang makita mismo ng aking mga mata.

Kaya naman ngayon araw ay agad akong tumayo sa kinauupuan ko at nagbibis ng pang-alis saka nagsabi na aalis ako at pupunta sa baryo na malapit sa mist forest o doon sa lugar kung na saan ang kuweba.

"Sigurado ka ba sa gagawin mo? Bakit ba gustong-gusto mong alisin ang miasma sa lugar na 'to? Hindi naman nakakaapekto sa mamamayan dahil malayo naman sa bayan," panghihikayat sa 'kin ni Viggo na itigil na ang binabalak ko habang nakasakay kaming dalawa sa magkahiwalay na kabayo.

Hindi na ko nagpahatid pa sa kutsero dahil sa malapit-lapit lang naman ito at mas mabuti nang kaming dalawa lang ni Viggo ang pumunta sa lugar dahil baka mapahamak pa ang iba at nais ko rin muna itago sa kanila ang binabalak ko.

Mahirap na baka may makatunog sa mga kasama ko sa kastilyo at masabutahe pa ang balak kong minahan.

"Alam ko pero kailangan ko ang kuweba na 'yun," sagot ko sa kaniya at parang binabasa niya lang kung ano ang iniisip at nais kong gawin.

"Tsk, bahala ka basta wag mo kong sisisihin pag may nangyari sa 'yong masama," sagot niya kaya natawa ako.

"Hahaha wag ka mag-alala walang mangyayari sa 'kin masama, mas kabado pa nga ako sa pagsakay ko ngayon sa kabayo," sabi ko sa kaniya at tumingin lang siya sa 'kin nang mapanghusga.

Blood Contract with her Royal VillainessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon