♕CHAPTER 21♕

5.6K 140 22
                                    

CANA ANNALIS

"Pano mo sila natalo? Anong teknik ang ginawa mo? Ikaw ba ang nagplano ng buong galaw niyo sa loob ng labanan?" Tanong ko sa kaniya habang manghang-mangha ako sa mga nalalaman kong kaganapan sa mismong loob ng labanan galing mismo sa bibig ng crown prince na siyang naging bayanin ng labanan na iyon.

Kaso parang ako lang itong excited dahil sa nakasimangot siya sa harap ko habang nakahalukipkip at parang inis na inis na sa 'kin sa hindi ko malaman na dahilan. Wala naman kaming ginawa kung hindi magkwentuhan lang ah, bakit mukhang pikon na pikon sa 'kin ang crown prince na 'to.

"Seryoso ka ba na kaya inaya mo kong wag umalis sa tabi mo ay para lang ikwento ko sa 'yo ang nangyari sa 'kin sa loob ng gera? Nagbibiro ka ba lady Kiera?" Tanong niya habang nakakunot ang noo at sapo-sapo ang mukha niya.

Halata sa mukha ng crown prince ang dissapointment niya sa 'kin na para bang may ginawa akong mali o sinabing mali.

"Oo, ano bang gagawin na'tin maliban sa magkwentuhan? Wala naman kayong kahit anong board games dito o kaya telebisyon para mag Netflix and chill tayo?" Sagot ko lalong kinakunot ng noo niya.

"Alam mo umalis lang ako ng tatlong taon, ang laki na nang pinagbago mo, kailan ka pa nahilig sa usapan na katulad ng gera at pakikipaglaban? Saka ano ba 'yung mga lenguaheng sinasabi mo? Saan mong lugar na pulot iyan ha?" Tanong niya at napahawak ako sa bibig ko sabay iwas ng tingin sa kaniya.

Sa sobrang hype ko sa pagtatanong sa kaniya tungkol sa pangyayari sa loob ng gera ay hindi ko na namamalayan na lumalabas na ang pagiging Cana ko na adik sa history at nakakapagsalita ng mga bagay na hindi naman nila maiintidihan sa panahon na 'to.

"Patawarin niyo ko your highness, masyado lang akong na dala sa kagitingan niyo sa pakikipaglaban," pang-uuto ko sa kaniya at narinig ko naman siyang napaubo at patagong ngumiti.

"Sabagay alam ko naman na sabik ka na rin sa pagbalik ko at gustong-gusto malaman lahat ng mga nangyari sa 'kin sa labanan," sagot niya sabay tingin sa 'kin at nagyabang pa talaga.

"Ehem, sige sisimulan ko ang lahat sa pagbabantay na 'min sa border ng MoonVault," sagot niya at patuloy na nagkwento habang ako naman ay nakikinig sa kaniya nang seryoso, kinuha ko na rin ang notebook ko sa gamit ko at nagsimulang makining sa kaniya na akala mo talaga ay may leksyon kami ngayon sa subject na history.

"Kalat naman siguro ang balita na sobrang daming mga pirata ang nagtatago sa Moonvault dahil sa hindi pa rin ito na aayos ng Ambrosetti Empire na siyang gumera rito," sagot niya at tumango ako, alam ko rin na ito nga ang dahilan ng gera sa karagatan na pinapaligiran ng apat na emperyo.

Ito ay ang Moonvault Empire na ngayon ay abandonado na at nasa pamamalakad na ng Goldton Empire na sumakop rito, sunod ay ang Emperyo namin na may maliit na piyer at hati sa karagatan, ang malaking emperyo ng Goldton Empire na halos sakupin na ang lahat at ang panghuli ay ang Ambrosetti Empire na may malaking parte rin sa karagatan.

Sumiklab ang gera dahil sa mga pirata na noon ay mga mamamayan ng Moonvault Empire, nais nilang bawiin ang lupain nila at karagatan kaya naman kami na karatig emperyo nila ay nadadamay sa gulo at madalas ang mga mamamayan na'min ang na iipit sa labanan na 'to. Ang pinaka tinatamaan ng gera sa karagatan ay ang mga mangingisda at iba pang kalakalan na nagaganap sa piyer.

Blood Contract with her Royal VillainessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon