♕CHAPTER 51♕

2.8K 75 2
                                    

CANA ANNALIS

♕♕♕

Napapalibutan ako nang makapal na usok, itim na usok na sobrang pamilyar sa 'kin. Muli akong nakatayo sa malamig na simento ng tore na ito kung saan kitang-kita ko ang sinag ng bilog na pulang buwan.

Nakatayo siya sa harap ko, tahimik na pinagmamasdan ang gagawin ko, katulad ng paulit-ulit kong nakikita sa panaginip ko.

Patuloy lang siyang nakatingin nang seryoso sa 'kin habang makikita mo sa mga mata niya ang paghingi ng saklolo dahil sa kalungkutan.

Sinubukan kong humakbang papalapit sa kaniya ngunit kada ginagawa ko iyon ay lumalayo siya at laging nawawala sa makakapal na usok na nakapaligid sa 'ming dalawa.

"Kiera, gusto kong matapos na ang kalungkutan mong ito, bakit hindi mo buksan ang puso mo sa magandang kinabukasan na tinatanggihan mo?" Tanong ko sa kaniya hanggat kaya ko pa magsalita sa loob ng mahabang panaginip na ito.

"Pwede kang maging masaya, kahit hindi ka nakakapaghiganti," muli kong tawag sa kaniya at mabilis na humakbang papunta sa pwesto niya.

Agad kong na hawakan ang braso niya at napigilan siya sa paglayo sa 'kin, nang mahawakan ko ang balat niya, ramdam na ramdam ko ang pagdaloy ng galit niya sa katawan ko.

Lahat ng emosyon ng Kiera na nasa harapan ko ay ramdam na ramdam ko.

Nabalik ako sa ulirat nang marinig ko ang paghikbi niya kaya naman niyakap ko siya mula sa kaniyang likuran at dinamayan siya.

"Subukan na 'tin maging masaya sa buhay na 'to Kiera, ayokong makulong ka sa sarili mong kalungkutan," bulong ko sa kaniya at unti-unti kong na ramdaman ang init sa katawan niya at ang pagsikat ng liwanag mula sa pulang buwan.

Ramdam kong unti-unti na wawala ang usok sa paligid at umaaliwalas ang paningin ko sa loob ng lugar na ito.

"Tulungan mo ko maging masaya Cana," rinig kong bulong niya at bigla na lang akong napabangon sa pagkakahiga at napahawak sa aking pisnge dahil ramdam ko ang pagdaloy ng aking luha mula rito.

"Panaginip na naman?" Rinig kong tanong ni Viggo habang nakaupo siya sa sofa na nasa loob ng aking kwarto, inikot ko ang paningin ko sa loob ng silid at hindi ko alam bakit hinahanap ko si Kiera sa paligid.

"Binangungut ka na naman ba?" Tanong niya at lumapit sa 'kin saka nagsalin ng isang basong tubig at pinainum ito sa 'kin, inabot ko naman ito at kalmadong uminum.

"Nakausap ko siya sa pagkakataon na 'to Viggo," sagot ko sa kaniya at umupo siya sa tabi ko saka ako hinila sa bisig niya.

Niyakap niya ko at pinakalma ako sa pamamagitan nang paghaplos niya sa likuran ko.

"Mabuti naman, dahil matagal mo nang gustong kausapin siya hindi ba?" Tanong niya at agad naman akong tumango.

Sa totoo lang, halos magkakalahating taon na simula nang araw-araw akong dinadalaw ni Kiera sa panaginip ko. Sa sobrang tagal na nito ay na sanay na ko sa paulit-ulit na sinaryo kung saan lagi ko siyang hinahabol at nais makausap.

Ngunit ito ang unang pagkakataon na may lumabas na boses sa bibig ko, ito 'yung unang pagkakataon na nakausap ko siya at na sabi ko ang gusto ko.

Blood Contract with her Royal VillainessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon