♕CHAPTER 34♕

3.9K 116 3
                                    

CANA ANNALIS

Hindi nila ako maiwasan tignan nang may pagtataka pagtapos kong mag-uwi ng isa pang lalaki na hindi nila kilala.

'Yung mga tingin nila sa 'kin ay pawang nagtatanong kung ano na naman ang binabalak ko, pero ramdam ko naman na hinahayaan din nila ang magiging desisyon ko.

Inaasikaso nila sa pagkain ang lalaking nakita ko sa loob ng kweba, ramdam ng bawat katulong sa loob ng komedor ang kaba dahil sa kakaibang aura na binibigay ng lalaki.

Panay rin ang sulyap nila ng tingin sa 'kin na parang nag-aalala at nais itanong kung ayos lang ba ako dahil miske ako ay halatang namumutla sa presensyang dala ng dragon na 'to. Nagtataka nga ko sa sarili ko kung pano ko pa nagagawang ikalma ang sarili ko sa harap nila dahil hindi ko maitatangi na sobrang ramdam ko ang kapangyarihan na dala ng dragon na 'to.

"My lady, ayos lang po ba kayo?" Bulong sa 'kin ni Wilbert sabay sulyap sa lalaking masayang kumakain sa harapan namin. Siguro kanina niya pa nais magtanong pro hindi niya magawa dahil tahimik lang din ako at hindi magawang magsalita.

Napalunok ako at tumango na lang dahil hindi ko rin alam kung anong maaari niyang gawin kung magkamali kami ng trato sa kaniya o kung may marinig siyang hindi niya gusto.

"Pagsilbihan niyo na lang siya nang maayos, ako na bahala makipag-usap sa kaniya at pag ayos na ang lahat ay saka ko sa inyo sasabihin ang detalye," kwento ko sa kaniya at tumango naman si Wilbert.

Sa totoo lang hindi ko alam kung maaari ko bang aminin sa kanila na ang lalaking nasa harapan nila ay isang dragon na ilang dang taon nang nakakulong o kung maniniwala ba sila pagsinabi ko ang katotohanan.

Mabuti pa't kausapin ko muna siya nang maayos at tanungin kung ano nga ba siya, sa ngayon ay iyon lamang ang maaari kong gawin.

"Hindi ko akalain na ganito na kasarap ang mga pagkain sa panahon na 'to!" Sabi niya habang nilalantakan ang halos pang tatlong araw na naming rasyon ng pagkain.

Kung araw-araw ay ganito ang kailangan niyang ikunsumo na pagkain ay tiyak na magugutom at mamamatay kami sa darating na tag lamig.

"Tanong ko lang ah, kailan pa naging lupain ng mga mortal ang Gazina?" Tanong niya at halatang nagtataka na ang mga katulong na nakakarinig sa usapan namin.

"Ah, maaari niyo na kaming iwan," utos ko na lang sa kanila para hindi nila marinig ang ano mang usapan na maaaring lumabas sa bibig ng kakaibang nilalang na ito.

"Masusunod my lady," tugon nilang lahat at isa-isa lumabas ng pinto saka ako tumingin sa dragon.

"Ilang libong taon na," maikli kong sagot habang hindi pinapakita ang kaba na nararamdaman ko, mabuti na lang at kasama ko si Viggo ngayon sa loob ng silid kung hindi ay baka kanina pa ko bumigay sa kaba na 'to.

"Ganu'n? Ako na lang ba ang natitirang dragon?" Tanong niya at sumagot naman ako ng ayon sa na lalaman ko.

"Hindi ko po alam, ngunit mukhang ikaw na lang ang natitira na nakikita namin ngayon," sagot ko dahil hindi naman lingid sa kaalaman ko na baka may katulad pa siyang dragon na ikinulong lamang sa ibang kweba rito sa Gazina, wala kaming kasiguraduhan kung may lalabas pa ba na dragon o may nagtatago pa.

Blood Contract with her Royal VillainessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon