♕VIGGO♕
♕♕♕
"Viggo, may nakita ka na ba riyan sa bandang hilaga?" Rinig kong tanong ni Achlys habang pababa siya sa pwesto ko at kakagaling lang sa pag-iikot.
"Wala, nag ikot na rin ako sa banda rito pero wala talaga akong mahanap," sagot ko sa kaniya habang tinatanaw ang karating lugar mula rito sa kinatatayuan ko.
Narito kami sa isang liblib na lugar malapit sa border ng Moonvault at Lumire pero ni isang bakas ni Cana ay wala akong makita o mahanap, tanging dugo ng iba't ibang mortal ang na aamoy ko sa lugar na ito.
"Hindi ata maganda maghanap sa banda rito dahil hindi ko maamoy ang dugo ni Cana, hindi mo ba kayang sundan ang kadena na namamagitan sa inyong dalawa?" Tanong ni Achlys sa 'kin habang nagkakamot siya ng ulo at palingat-lingat din sa iba't ibang direksyon.
"Simula ng uminum ako ng dugo mo ay sobrang labo na ninto na para bang hindi ko na makita pa," sagot ko dahil ito ang kabayaran ng pag-inum ko ng dugo ng isang dragon, malapit na ko maging malaya sa pagiging vampire slave ko at papunta na sa isnag normal na bampira ngunit ang kapalit naman ninto ay ang pagkakawala ko sa kontrata naming dalawa ni Cana.
"Tsk, tingin mo saan siya dadalhin ng kapatid niyang bruha? Kung buhay pa sana si Miranda ay may makukuha pa tayong impormasyon," sagot niya at sang-ayon ako roon, sobrang linis ng pagpaplano ni Keisha at hindi niya hinayaan na magkaroon ito ng butas kaya agad niyang pinatay si Miranda na siyang susi sa lahat.
Kahit naman tanungin namin ang Duchess ay wala naman itong masabi at pawang tulala, binalik ni Keisha ang duchess pero sira na ito, hindi makausap ng maayos at hindi umiimik.
"Talagang pinag-isipan niya ang bagay na ito, kinakabahan ako na baka ano na ang ginagawa niya ngayon kay Cana," sagot ko kay Achlys at hindi mapigilan manggalaiti kay Keisha sa mga paghihirap na ginagawa niya ngayon sa sarili niyang pamilya at kapatid.
"Kumalma ka, wag mo pairalin ang galit mo dahil mas matatagalan tayo sa paghahanap sa kaniya kung hindi maayos ang takbo ng isip mo," sagot niya sa akin at unti-unting lumuwag ang pagkakayukom ng palad ko dahil sa galit ko kanina at sinunod ang utos niya na kalmahin ang sarili ko.
Tama si Achlys, kailangan ko ituon ang atensyon ko sa paghahanap sa kaniya para mas mabilis ko siyang mailigtas kahit na alam kong sobrang huli na dahil sa ngayon alam kong nahihirapan na siya.
"Pupunta ako ng timog, magbabakasakali ako rito," sagot ko sa kaniya at tumanho naman siya saka mabilis na lumipad papuntang kanlungan patungo sa karatig emperyo ng Lumire na White Peak Empire.
Halos gabihin na kami sa paglalakbay at paghahanap sa kaniya, kada tatlong oras ay mabilis siyang pupunta sa kinalalagyan ko at tatanungin kung may nahanap ba ako.
Nagikot-ikot ako sa kagubatan patimog at napatigil ako nang may malanghap akong pamilyar sa pang-amoy ko.
"Sobrang labo ng amoy na 'to sa ilong pero alam ko kung kanino ito at hindi ako nagkakamali roon," bulong ko sarili ko at mabilis na tumakbo papunta sa direksyon kung saan ko naamot ang dugo niya at habang palapit ako anng palapit sa direksyon na iyon ay mas nagiging klaro ang amoy ng matamis niyang dugo sa ilong ko.
Nang makarating ako sa lugar ay tumambad sa 'kin ang isang maliit na bahay kung saan abandonado ito at halatang matagal nang walang tumitira ngunit halata rin ang bakas ng gulong ng karwahe sa putik na natuyo dahil sa isang linggo na ang nakakalipas.
BINABASA MO ANG
Blood Contract with her Royal Villainess
Про вампировEMPIRE SERIES 2 Cana Annalis Smith- isang achelogist student at mahilig magbasa ng kasaysayan ng kanilang bansa at ng dati nitong emperyo. Nahumaling siya sa isang libro itim na nagsasaad ng kakaibang kwento na hindi niya pa nababasa sa kahit ano ma...