CANA ANNALIS
♕ ♕ ♕
Isang na namang makulimlim na panahon para sa Lumire Empire, kung saan maraming tao ang naglalakad sa central, namimili ng mga pagkain at kagamitan, mga taong abala sa kanilang mga trabaho at ilang mga batang nagtatakbuhan sa bawat iskina na malapit sa plaza.
Madalas tago ang araw sa emperyong ito, mahaba ang gabi at maikli naman ang umaga, tanghali ngayon ngunit parang pagabi na.
Nasa loob kami ng karwahe papauwi galing sa mapipili namin ng damit ni Diana, sobrang bilis lang ng paggagala namin dahil pinapalibutan kami ng mga royal guards na siyang nagbabantay kay Diana.
"Ang gwapo talaga ni Sir Grimm," bulong ko kay Diana habang nakaupo kami sa pabolosong karwahe ng royal family.
"Ehem, baka marinig ka niya Kiera, malapit lang siya sa ating karwahe oh," nahihiyang awat sa 'kin ni Diana na aking kinatawa, pano kami maririnig ni sir Grimm eh, sobra siyang focus sa daan habang sakay-sakay ng kulay itim niyang kabayo at nakasunod sa aming karwahe.
"Pero hindi ko maitatanggi na ang gwapo talaga niya, lalo na kung tititigan ka niya gamit ang nga mata niyang matatalim!" Pagpipigil ko ng kilig na para bang kausap ko lang ang kaibigan kong si Darlene.
"Sabagay, hindi naman talaga maitatanggi gwapo si sir Grimm, sa katunayan ay sobrang gwapo niya talaga," nahihiya niyang sabi na halos ibulong niya na lang sa 'kin.
Namula tuloy ako, nakakahawa kasi 'yung pagkamahiyain niya saka ganito pala kiligin ang isang Diana Athena Eckheart.
"Naku, baka ngayon mo lang nasasabi 'yan kasi siya pa lang ang nakikita mo," sagot ko sa kaniya na kaniya naman pinagtaka.
"Hu? Para sa 'kin lang ah, wala nang mas gagwapo pa kay sir Grimm," muli niyang pabulong na sagot kaya napatawa na lang ako sabay tango.
Sige lang, sabihin mo lang 'yan sa 'kin ngayon pero tatanungin ulit kita pagnakilala mo na si Viggo na bibilhin ko mamayang gabi.
"Pero maiba ako lady Kiera, nakita kong bumili ka ng isang makapal at itim na kapote, gagamitin mo ba iyon sa paglalakbay? Aalis ka ba at babyahe nang malayo?" Tanong niya sa 'kin na tila ba nag-aalala siya kung iiwan ko siya at aalis sa lugar na 'to.
Agad naman akong umiling at sinagot ang kaniyang tanong, "hindi naman, gusto ko lang itago ang mukha ko tuwing lalabas ako sa Romulus Estate, alam mo na," sagot ko sa kaniya at napatawa na lang siya.
"Akala ko ba titigilan mo na ang pagtakas at pagpunta sa mga casino lady Kiera?" Tanong niya sa 'kin at napakamot naman ako ng ulo, baka kasi masira pa ang imahe na binubuo ko sa kaniya dahil sa mga sagot ko.
"Hindi naman sa magsusugal ako, gusto ko lang magsaya dahil alam mo naman na hindi ayos sa mansion," sagot ko sa kaniya at napasandal siya sa upuan sabay buntong hininga.
"Kung pwede lang kita patirahin sa royal palace ginawa ko na, pero sabagay kung gusto mo madali naman na 'tin mapapakiusapan si lolo," sagot niya sa 'kin at halatang-halata na nakuha na ng emperor ang tiwala ni Diana.
"Hahaha, nakakapagtaka nga na hindi nakaabot sa tenga ng emperor ang mga kalokohan ko noon, like hello kalat kaya sa buong emperyo na isa akong black sheep ng Romulus family," sagot ko sa kaniya at natawa lang siya sabay iling.
BINABASA MO ANG
Blood Contract with her Royal Villainess
VampirosEMPIRE SERIES 2 Cana Annalis Smith- isang achelogist student at mahilig magbasa ng kasaysayan ng kanilang bansa at ng dati nitong emperyo. Nahumaling siya sa isang libro itim na nagsasaad ng kakaibang kwento na hindi niya pa nababasa sa kahit ano ma...