♕CANA ANNALIS♕
♕♕♕
Agad niyang tinakpan ang kaniyang bibig at halatang nangangatog ang katawan nang makita niya kung pano tumulo ang aking dugo na nasa labi ni Viggo.
Dinilaan ni Viggo ang kaniyang labi at isang iglap lang ay nasa likuran na siya ni Miranda, hinaharangan ang pinto kung sakaling may gawing kakaiba ang katulong.
"Anong gagawin na 'tin sa kaniya? Delikado kung may makaalam ninto hindi ba?" Seryosong tanong ni Viggo sa 'kin habang hindi naman makagalaw si Miranda sa takot nang maramdaman niyang nasa likuran niya na si Viggo at hawak ang seredula ng pinto.
"Wa-wala akong pagsasabihan my lady! Parang awa niyo na hindi ko ipagkakalat ang sikreto na 'to kaya sana wag niyo ko patayin!" Nagmamakaawa niyang paghingi ng paumanhin sabay luhod sa harap ko.
Sa totoo lang wala naman talaga akong balak dungisan ang kamay ko saka hindi pumasok sa isip ko na papatayin ko siya pero mas maganda na kung matakot siya para hindi niya maisip ipagkalat ang bagay na 'to.
"Miranda, malaman ko lang na pinagsabi mo sa kahit kanino ang sikreto na 'to, ay hindi ako magdadalawang isip na patayin ka at ang pamilya mo," saad ko sa kaniya saka lumapit sa pwesto niya at hinawakan ang kaniyang buhok.
"Napapansin ko rin lagi kang nawawala, hindi porque pinapaboran kita ay maaari mo nang gawin ang mga nais mong gawin," saad ko sa kaniya at agad siyang tumango sa 'kin at patuloy na nakaluhod sa harap ko.
"Hayaan mo na siya Viggo," utos ko at lumayo naman si Viggo sa pinto at inilahad ko ang kamay ko sa harap ni Miranda.
"Tumayo ka na riyan at ipaghanda ako ng miryenda," utos ko sa kaniya at agad siyang tumango at kumaripas ng takbo palabas ng silid.
"Hays, ikakapahamak niya pa kamo 'yung gawain niyang hindi pagkatok ng pintuan," reklamo ko at napaupo na lang ulit sa sofa.
"Pasensya na Cana, hindi ko rin na ramdaman 'yung presensya niya dahil sa tamis ng dugo mo kanina," sagot ni Viggo na kinamula ko dahil bigla-bigla niyang idadahilan ang bagay na 'yun.
"Ay ewan ko," iyon na lang ang na sagot ko at narinig kong kinandado niya ang pinto ng kwarto at lumapit sa pwesto ko.
Tinignan niya ko nang malagkit at halatang nais ipagpatuloy ang sinimulan namin kanina.
"Seryoso ka ba?" Tanong ko sa kaniya at tumango naman siya sabag pakita ng pilyo niyang ngiti sa harap ko.
"Hindi na ko nakakatikim ng dugo mo," sagot niya at muling bumalik sa paghalik sa aking leeg kaya halos mamula na ang mukha ko at hindi na maitago ang hiya sa katawan ko.
"A-kkala ko-ko hindi ka na gan'un nagugutom dahil nakainum ka na ng dugo ni Achlys," na uutal kong tanong habang pilit na tinatakpan ang bibig ko dahil baka makagawa ako ng kakaibang tunog dahil sa pagbaba ng halik niya sa balikat ko.
"Iba pa rin ang tamis ng dugo mo, lalo na pag nagsisimulang uminit ang katawan mo," sagot niya at halos mapapikit ako nang maramdaman ko ang pagsiil niya sa balat ko, hindi para kagatin ako kung hindi para markahan ang katawan ko ng mga halik niya.
"Pe-ro teka Viggo, hi-hindi ba kailangan dugo ko lang ang iinumin mo?" Tanong ko at pag-iiba ng usapan dahil pakiramdam ko ay bibigay na ko sa mga halik niyang kumakalat sa aking katawan.
BINABASA MO ANG
Blood Contract with her Royal Villainess
VampiroEMPIRE SERIES 2 Cana Annalis Smith- isang achelogist student at mahilig magbasa ng kasaysayan ng kanilang bansa at ng dati nitong emperyo. Nahumaling siya sa isang libro itim na nagsasaad ng kakaibang kwento na hindi niya pa nababasa sa kahit ano ma...