♕VIGGO♕
♕♕♕
Sa pagsapit ng dilim, napagpasyahan na namin umuwi sa border at makapagpahinga na rin sa mahabang kasiyahan kanina.
Halata sa mukha ni Cana ang sobrang saya, ang dami niyang kwento sa 'min ni Achlys habang binabaybay namin ang daan pabalik sa Moonvault Empire.
"Nakakatawa nung sumayaw ka na Achlys, isipin mo 'yun wahaha isang dragon may kaliwanag paa," pang-aasar ni Cana kay Achlys at hindi ko maiwasan mapangiti sa saya na nakikita ko sa mukha niya ngayon.
Sa totoo lang hindi pa rin ako sanay na tawagin siyang Cana, pero mas gusto ko ito dahil ito ang totoong siya.
'Yung pakiramdam ko noon na parang ang layo niya dahil sa mga sikretong tinatago niya ay unti-unti nang nawawala sa isip ko ngayon.
Kasi alam kong wala na siyang bagay na hindi sinasabi sa 'kin, pinakilala niya na sa 'kin ang totoong siya at wala nang tinatago pa.
Ang iniisip ko na lang ay kung iiwan niya ba ko o kung makakaya ko ba pag-iniwan niya ko.
"Alam ko ang ilog na 'to eh, ito 'yung humahati sa Majiro Kingdom at Eato Kingdom 'di ba? Bakit hindi na lang tayo dumaan dito at kailangan pang umikot sa Moonvault kung mas malapit naman ito sa border?" Tanong ni Cana habang tinuturo ang mahabang ilog na naghihiwalay sa dalawang kaharian.
"Gusto mo bang mapatay 'yang si Viggo?" Tanong naman ni Achlys at tumingin siya sa 'kin ng inosente.
"Bakit hindi ka ba pwedeng mabasa ng tubig ilog?" Tanong niya at pareho namin na sapo ang noo namin ni Achlys dahil sa kamangmangan niya.
"Matalino ka sa ibang bagay pero tatanga-tanga ka rin minsan, sabi naman kasi sa 'yo wag ka na uminum ng alak iyan tuloy hindi ka makapag-isip nang matino. Hindi ba iyan ang kingdom ng mga werewolves," sabi ko sa kaniya sabay turo sa kabilang bahagi ng ilog.
Napabuka ang bibig niya at kuminang ang mga mata, "Ah! So d'yan galing sila sir Grimm?" Tanong niya at tumango naman ako.
"At sino naman 'yang Grimm na 'yan?" Tanong naman ni Achlys at napatigil sa paglalakad.
"Royal knight sa Lumire Empire," sagot naman ni Cana at tumingin din sa tinitignan ni Achlys, naningkit ang mata niya pero hindi niya maaninag kung ano 'yung tinitignan ni Achlys sa malayo.
"Pwede bang mauna na kayo? Susunod ako may bibisitahin lang," sabi ni Achlys at mabilis na lumipad papunta sa kabilang bahagi ng ilog.
Buti na lang at malayo-layo na kami sa bayan at malapit na sa gubat na kanina naming pinasukan kaya walang nakakaita sa paglabas niya nang malaki niyang pakpak.
"Tignan mo 'yun iniwan na naman tayo," reklamo ni Cana at nagpatuloy na lang kaming maglakad papasok sa masukal na gubat.
"Hayaan mo siya, babalik 'yun sigurado," sabi ko naman dahil halata sa mukha niya ang pag-aalala na baka hindi niya makontrol si Achlys at magdulot ito ng panganib sa lugar.
"Hays, kulit kasi eh, baka mamaya kung anong kainin nu'n," reklamo niya at akmang sasampa na sa 'kin ngunit bigla akong napapitlag at nakaramdam ng kakaiba sa paligid.
BINABASA MO ANG
Blood Contract with her Royal Villainess
VampirEMPIRE SERIES 2 Cana Annalis Smith- isang achelogist student at mahilig magbasa ng kasaysayan ng kanilang bansa at ng dati nitong emperyo. Nahumaling siya sa isang libro itim na nagsasaad ng kakaibang kwento na hindi niya pa nababasa sa kahit ano ma...