♕CHAPTER 11♕

6.4K 196 10
                                    

CANA ANNALIS


Nakaupo ako sa tapat ng beranda habang kinakalma ang sarili ko galing sa pag-iyak, kasama ko si Viggo na ngayon ay nakatayo lang sa likod ko at walang imik.

Suminga ako sa panyo ko ng wala man lang kagalang-galang bilang noble lady pero wala akong pakialam, wala ako sa mood para magpanggap na isa akong lady ng bahay na 'to.

"Gawain ba ng isang binibini 'yan?" Tanong ni Viggo at may inilapag na tsaa sa aking harapan, tinignan ko lang siya nang masama at wala naman siyang pakialam sa mga tingin na 'yun.

"Hindi naman kasi talaga ako binibini," sagot ko sa kaniya at inirapan siya sabay higop ng tsaa at pinakalma pa ang pakiramdam ko.

Hindi man lang ako sinundan ng Duke o kinausap, wala man lang siya sinabi tungkol sa pinagsasabi ko sa kaniya pero aminado naman ako na ako rin ang may kasalanan dahil ako itong nag walk out sa sama ng loob.

Siguro hindi lang dahil sa ramdam ko ang sakit na dinanas ni Kiera sa kaniyang ama kung hindi dahil parehos din kami ng pinagdaanan nung iniwan naman kami ng totoo kong tatay noon.

Pareho namin dinanas ang kakulangan sa paggabay ng ama, sa atensyon at sa pagmamahal. Kulang na kulang na umabot na sa ganitong sakit ang nararamdaman naming dalawa.

"Ha, kaya rin siguro nakaka-relate ako sa character na 'to," bulong ko na nagbigay naman ng kuryosisdad kay Viggo.

"May binubulong ka ba? Bago ka magmukmok d'yan punasan mo muna maige 'yang mukha mo na puno pa rin ng luha," utos niya sa 'kin at may inabot na malinis na panyo galing sa bulsa niya saka ito pinunas sa mukha ko.

Kikiligin na sana ako dahil akala ko pupunasan niya ang mukha ko nang malumanay at maingat, ngunit ang loko kulang na lang ilamutak sa mukha ko ang panyo niya.

"Tsk! Nang-aasar ka pa eh!" Inis kong sabi sa kaniya at bigla siyang napatawa.

"Pftt hahaha," tawa niya na kinabigla ko ngunit agad niya rin naman inalis ang saya sa mukha niya, sa pagtawa niyang iyon ay nakita ko ang dalawang pangil niya na hindi ganun kahabaan.

Nagulat ako, may igagwapo pa pala siya pumatawa tumatawa.

"Oh? Bakit ka nakatutlala sa mukha ko? May dumi ba?" Tanong niya at pinunasan ko naman ang mukha ko sabay iling.

"Hindi, na realize ko lang na mas gwapo ka pala pagtumatawa ka," sagot ko sa kaniya na kinabigla niya at talaga naman nagkadugo ang bampira na 'to at namula ang mukha.

"Tsk, pinagsasabi mo!" Inis niyang sabi sabay layas sa harapan ko, nagtaka naman ako dahil pinuri ko na nga siya, siya pa 'tong magagalit sa 'kin.

Napailing na lang ako at napabuntong hininga, buti na lang dahil kay Viggo ay hindi ko na ganung iniisip ang nangyari kanina.

Mabuti pa mag-aral na lang ako ng maaari kong simulang negosyo o hindi kaya maghanap ng lugar na malayo rito, hindi ko na kayang tumira pa sa mansyon na 'to kasama ang mga tao sa paligid ko na walang ginawa kung hindi husgahan at matahin ako.

Kaya tumayo na ko sa kinauupuan ko at naghanap ng mga libro na maaaring basahin sa loob ng silid na 'to, halos maubos ko na rin kasi ang mga libro na pagmamay-ari ni Kiera, pero ang nakakapagtaka lang dito ay bakit tila puro tungkol sa mahika ang laman ng mga libro.

Blood Contract with her Royal VillainessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon