WSE-Kabanata 6

140 15 79
                                    

Kabanata 6

Repent



"Ayaw ko na umuwi," he repeatedly said.

I pushed him again when he tried to walk near me and hugged me instead, nagpapalambing na payagan ko siya.

Kanina ko pa siya kinukumbinse na umuwi. It was already past twenty-two hours, yet, he doesn't have the energy to go home. He really doesn't want to go home. Pinipilit niyang matulog na lang dito pero hindi talaga pwede. Nahihiya pa ako dahil nagbabantay ang landlady sa madilim na terrace, pinagmamasdan kami.

"Come on, Marco, na-exceed mo na ang curfew hours. Umuwi ka na. Gabing-gabi na." Hindi na ako umangal ng hinawakan niya muli ang kamay ko at inilapit ang katawan sa akin.

"Kasalanan mo kung bakit ayaw kong umuwi. Tapos ngayon pauuwiin mo ako? Panindigan mo ako," nakasimangot niyang pagsisi sa akin. Humagikhik ako.

Mabuti na lang at nakumbinse ko rin siyang umuwi. Humingi pa siya ng permiso sa landlady, humihingi ng tulong na payagan siya ngunit tinawanan lang siya ng landlady.

Ginawa talaga ni Zachary ang sinabi niya. Napaaga nga lang. The next day, he bought foods good for two weeks. Nagagalak si Keshia dahil di na namin kailangan mag-grocery at nakasave pa kami ng pera.

"Buti na lang may atm guy tayo. Salamat sa ayuda, pangit. Sige, pwede ka na rin matulog dito at ikaw na rin ang magbayad sa renta namin." Si Keshia na hinahalungkat ang mga ginrocery ni Zachary at inaayos sa cabinetry.

She lured Zachary, too, to sleep in our room, na sinuway ko kaagad. He can rent but he can't sleep in our room. Unless, he'll sneak. Na hinding-hindi ko papayagang mangyari.

"Bakit ayaw mo?" tanong ni Zach nang nasa sasakyan na niya kami. "Pwede naman daw sabi nung may-ari."

Syempre napapayag ginamit ba naman kasi ang charm niya. Pati sa matanda bentang-benta ang kagwapuhan at kapilyuhan niya.

"Baka gusto mong mahalikan kamao ko?" I threatened him and raised my fist in front of him and he grab it to really give a soft kiss.

"Di naman kita pagsasamantalahan. Cuddle cuddle lang."

"Mas lalong di pwede! Tumigil ka nga. Ang landi mo!" And I make-face.

Pinag-isipan din niya talagang mag-rent just for two weeks hanggang matapos ang SCUAA dahil nahihirapan siyang makauwi sa Laoag. Lalo na at gabi na siya nakakauwi at laging pagod sa practice.

The SCUAA will be held next week that's why Zachary was more focus on his basketball practices. And me, I'm focus on our research in Comm01. More importantly because the due is on Friday.

I was complacent yesterday about our research. Although, I did my part but some of my group mates haven't done yet kaya mas kinakabahan ako at di namin maipasa on time. Nadagdagan pa ang school works ko. Nilista pa nila pangalan ko na volunteeer sa SCUAA. Letseng Keshia kasi. Kasalanan niya 'to, eh!

Magboboy hunting daw at sinama pa ako sa kalokohan niya. My plates are really really full right now. Wala na sanang dumagdag pa. Sumasakit ang ulo ko mag-isip.

"Dayne, pwede ikaw muna magtype please? Pahinga ko lang mata ko. Salamat."

Pinalis ko ang luhang lumabas sa mata ko at kinusot. Pagod na pagod na ang mata ko. Kanina pang umaga ako nakaharap sa laptop, nagtatype. Samantalang ang ibang kasamaan ay naghahanap ng libro for references dito sa library.

"Sure sis," responde niya at kinuha na ang laptop ko.

I did not procrastinate and do my other school works. Hangga't may stamina pa akong gumawa, di ako magsasayang ng oras.

When Summer Ends (Four Season Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon