WSE-Kabanata 25

136 12 0
                                    

Kabanata 25

Lost



"And I know. They'll take you home. Even when the dark comes crashing through. When you need a friend to carry you. And when you're broken on the ground. You will be found."

Natatawa akong tinitingnan si Milaine na feel na feel ang pagkanta.

"Ang pangit ng boses mo, Milaine. Makabasag ear drums!"

"Don't me! I'm practicing for my talent. Just watch and cheer for me." She contradicted Damian, then continued singing.

"So let the sun come streaming in. 'Cause you'll reach up and you'll rise again. Lift your head and look around. You will be found. You will be found!"

Sinabunutan siya ni Damian nang bumirit ito sa tenga niya. Umiling-iling ako sa kalokohan nito. Ang hyper!

"Aattend ba kayo sa socialization? May search daw. Sumali kaya ako na-warm up na naman ang boses ko. Pwede na'kong mag-concert," si Milaine na nag-seselfie na.

"Hwag na baka ipahiya mo lang section natin." Pambabara ni Damian.

"Malay mo, manalo ako sa Q&A. Plus points na rin ang talent ko. Oh, may pag-asa!" At humagalpak ito.

"Echosera!" Hinampas ni Damian ang pamaypay nito sa kanya. "Baka di ka pa makapasa sa Top 5. Chaka mo!"

Tahimik kaming dalawa ni Keshia na nanonood sa dalawang nagbabangayan. Lumapit ako sa kanya at yumakap sa bewang niya.

"You okay?"

"Uhm."

"May damit ka na? Gusto mo sabay tayong bumili ngayong uwian?"

"Hindi ko alam kung makakadalo ako."

"Bakit naman?"

"Wala ako sa mood." Obvious nga.

"Last event na natin 'to, surely di na tayo makakadalo next year dahil busy na tayo nun sa OJT. Dumalo ka na!"

"Tingnan ko na lang," sagot niya. Di ko na siya pinilit pa. Siya lang naman makapagpabago sa desisyon niya.

At dumalo nga siya kahit late na. Yun nga lang, walang pinagbago ang mood niya. Maligaya ko siyang niyakap pagkalapit niya sa table namin. Pina-reserve ko pa ang upuan sa tabi ko para sa kanya.

"Saan ka galing? Bakit ngayon ka lang?"

"Uh- may pinuntahan kasi ako..."

"Okay," sabi ko na lang, ayaw siyang usisain.

Natapos ang socialization ng past eight. Gutom na gutom ang mga kasama ko kaya dumiretso kami sa malapit na fast food. Inaantok naman ako pero dahil walang kasamang umuwi, sumama na lang din ako.

Nagpahatid kami kay Damian sa bahay dahil gamit naman niya ang sasakyan niya. Nagpaiwan si Keshia at sinabing makikitulog daw siya. Pumayag ako.

Tahimik siyang nakahiga sa tabi ko, nakatitig sa kisame. Hindi ko na napigilang tanungin siya.

"Anong problema, Kesh? Ba't ang tahimik mo? Di ako sanay."

Alinlangan niya akong sinagot. "Mag-drop out ako, Leigh."

"Bakit!?" Eksaherada kong tanong.

"Isasama ako ni mommy sa Madrid. Doon ko na ipagpapatuloy ang pag-aaral." Malungkot niyang saad samantalang ako ay napalitan ng saya ang mukha. Pabiro ko siyang hinampas.

"Sana all! Bakit di ka masaya? Be happy! Smile!" I stretched her cheeks and laughed. She smiled...sadly.

"Palit na lang tayo. Ako ang sasama sa mama mo."

When Summer Ends (Four Season Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon