WSE-Kabanata 34

128 11 0
                                    

Kabanata 34

Fatal



Mamuhay ng simple. Iyon ang hiniling ko. Hindi ang mamuhay sa magulong pamilya at lalong-lalo nang hindi mamuhay sa kasinungalingan!

It's unutterably painful to explain and mind-blowing to know the biggest secret of my family about my existence.

Ang sakit-sakit isipin na ang inang itinuring kong akin, mula pagkabata ay hindi ko tunay na ina. Na ang tunay kong ina ay hindi ko man lang nakilala o di ako nabigyang pagkakataon na malaman ang tunay na pagkatao niya. Kahit sana man lang pangalan niya o kupas na larawan!

Para akong pinagkaitan ng kalayaan.

I endured my agony, solely, until I went home. Hindi ko na pinaalam ang pag-uwi ko sa mga kaibigan. Pagkaalis ni Zachary, umalis agad ako at dali-daling umuwi para mag-impake.

Uuwi ako sa Ilocos na siyang naging tahanan ko buong buhay ko. Uuwi ako sa bahay namin na naging kanlungan ko mula pagkabata hanggang sa paglaki ko. Uuwian ko ang ama kong nag-iisang kapamilya ko. Ang ama kong tinitingala at nirerespeto ko... na mahal na mahal ko... na wala akong kaalam-alam na siyang kauna-unahang magsisinungaling sa akin tungkol sa tunay kong pagkatao.

Twenty-seven years I've been living in fiction! Never could imagined I'll be in this situation.

Hindi ko mailarawan ang hitsura ko habang tahimik na umiiyak sa loob ng madilim na bus. Ang tahi-tahimik ng mga pasaherong lulan na parang ang gaan ng pakiramdam nila na uuwi na sa kani-kanilang tahanan at makikita ulit ang pamilya. Habang ako ay may mabigat na problemang bitbit sa pag-uwi, suliranin na kailangan kong maliwanagan.

Never did I hear my parents open up to me this truth about my existence and my real mother. Bakit? Wala ba akong karapatan malaman ang tunay kong ina? Bakit itinago nila sa akin ito? At bakit parang... walang balak si Papa na sabihin sa akin ang tungkol dito? Masama bang malaman ko din ang parte ng pagkatao kong ito? Masama ba na kilalanin ko rin ang tunay kong ina? Na siyang nagluwal at nagbigay sa akin ng pagkakataong mabuhay sa mundong ito? Hindi ko maintindihan. Gusto ko ng konkretong kasagutan. Iyon lamang.

Kating-kati na akong malaman ang eksplanasyon ni Papa. Kating-kati na akong makarating sa bahay, kung kaya't pagkababa sa bus at pagkatapak sa bus terminal ng Florida ay lumapit agad ako sa taxi na nakaparada at mabilis na sumakay.

Tahimik akong nakatingin sa madilim na daan na tanging street lights lang ang liwanag. The familiar road we're heading displayed memories in my head to looked back. I shook my head as I close my eyes and lied down my head on the window frame.

Sa sandaling pagpikit ng mata ay tila segundo lang ang lumipas at mabilis na nakarating sa bahay. My shaking lips crumpled down and my eyes began to heat again when I stepped out of the taxi. I stood alone in the middle of the road gazing at our two-story house.

My heart sank. I'm finally home, but in my heart it feels... homeless.

Despite my weakening body and wobbling legs, I ran quickly through our metal gate. Malalakas na katok sa pinto ang ginawa ko, kasinglakas ng pag-iyak kong muli at panginginig ng katawan mula sa pang-umagang lamig. I took steps backward when the lights inside turned on and our main door widely open.

Nanlalaki ang mata ni Papa at laglag ang panga sa gulat ng maaninag ako mula sa madilim na paligid. Ang galit na kinimkim ko at baon-baon ko sa pag-uwi ay biglang nawala at napalitan ng pighati pagkakita ang ama sa harapan ko, nagtataka. Tumakbo ako sa kanya at yinakap ng mahigpit, nagtatangis.

"Leighrah," pagtawag sa akin ni Papa, may bahid na pagtataka sa boses niya.

"P-Papa," mahinang bulong ko, tinatawag siya na parang nanghihingi ng tulong at nakikiusap.

When Summer Ends (Four Season Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon