Kabanata 23
Afar
Hinatid ko ng tingin si Tita hanggang sa makasakay siya sa sasakyan at makaalis ito sa hospital.
Ang inaakala kong kasagutan ay magpapagaan sa'kin.... ngunit hindi pala. Mas lalo lamang akong naguluhan.
Ang gulo-gulo! Bumibigat ang ulo ko sa maraming konklusyong bumabaha sa'king isipan.
Everytime I see my mother, there's this urge in me to ask her of what's bothering me. I wanna know her side of the story. I wanna know the truth. Kating-kati akong malaman... ngunit natatakot ako. Natatakot ako na baka ito ang magpapabagsak sa'kin. Hindi ko kaya. Hindi ko alam kung makakaahon pa ba ako.
I already am suffering from this family problems we have. I don't think I can handle another revelations. Mamamatay ako ng maaga.
I shook my head to quash all the dreadful I am ruminating.
"Cleo, paki-ayos yung dadalhin nating damit ni mama at papa. Nasa katre nila, paki-bag na lang. Maliligo lang ako." Habilin ko sa kapatid na nakahiga sa kanyang kama.
Pagkaligo at nakaayos na para sa pag-alis, nadatnan ko ang kapatid na nakahiga pa rin sa kanyang kama.
"Cleo, naayos mo na ang damit nila mama? Aalis na tayo."
Hindi siya sumagot. Naglakad ako papasok sa kwarto nila mama at nakitang nandun ang damit na hinanda ko. Ako na ang umayos nito at dinala palabas.
"Halika na, Cleo. Tumayo ka na dyan."
He didn't budge. Tumitig ako sa kanya bago lumapit at umupo sa tabi niya.
"Cleo, anong iniisip mo?"
Tinakpan ng kamay niya ang mga mata.
"Uy, may problema ba? Ano yun, Cleo? Sabihin mo sa'kin para matulongan kita. May problema ka ba sa school? Stress ka ba sa mga school works mo? Kaya mo yan. Pahinga ka lang. Hwag mo masyadong stress'n ang sarili mo. Makakasurvive ka din."
Umiling-iling siya. I sadly smile. I lied down beside him and hugged him. "Okay lang yan, Cleo. Ilabas mo lang. Alam kong nahihirapan ka na din sa sitwasyon natin."
Narinig ko ang paghikbi niya. Inaalo ko siya.
"Hindi na makakabalik si mama dito sa bahay, Ate..."
"Shh, Cleo. Hwag iyan ang isipin mo. Shh, buhay pa si mama. Lalaban tayo, Cleo. Lalaban tayo para ibalik siya dito sa bahay, okay? Babalik siya."
"Babalik siya na nakakabaong, Ate. Iyon yun!"
"Cleo." Tinakpan ko ang bibig niya. Umiling-iling ako. "Buhay pa si mama pero pinapatay mo na siya sa isipan mo."
Marahas niyang inalis ang kamay ko sa bibig niya.
"Dahil iyon ang totoo, Ate!" Mas napaiyak siya. "Kahit isang linggo, buwan o taon pa ang taning na binigay ng doctor! Kahit i-intubate si mama, iisa lang ang kahahantungan niya!"
Tumigil ako sa pag-alo sa kanya at umiyak na lang din.
"Kung nandun ka lang sana, Ate. Kung sana narinig mo ang sinabi ng doctor... ito din ang iisipin mo! Nakakaputang ina na wala kang magawa kundi tanggapin na lang at hintayin ang araw na mawawala siya!"
"Alam ko, Cleo. Alam na alam ko. Nahihirapan tayong lahat sa sitwasyong ito. Sukong-suko na rin ako pero wala eh, mama ko yun. Mama natin yun, hindi naman pwedeng hayaan na lang natin siyang maghirap."
"Nakakahiyang isipan na wala akong magawa kundi umiyak lang at pagdalamhatian si mama imbes na tulungan siya! Kung sana ako ang Diyos! Eh di sana aakuin ko na lahat ng sakit hanggang sa maghirap ako. Tutal di naman namamatay ang Diyos!"
BINABASA MO ANG
When Summer Ends (Four Season Series #1)
RomanceFSS #1: When Summer Ends In spite of the two people with long list of differences and distinctly seen gap of social status, destiny will always find a way for them to meet. Leighrah Dawn Mendez finally falls deeply in love with his long term secret...