WSE-Kabanata 27

139 12 0
                                    

Kabanata 27

Tadhana



"Ano ka ba naman! Unang gabi ko dito sa Madrid pinapaiyak mo ako."

Pabiro kong tinulak ang balikat niya. Humalakhak siya. Umupo ako sa arm rest ng upuan at tinulungang palisin ang mga luha niya.

"Because I feel guilty. It bothers me for years now. Ngayon lang ako nabigyan ng lakas-loob para tanungin ka 'cause I can't ask you formally through calls and texts."

My heart flutters. I sweetly smiled.

"I'm good now. See," I held her chin to look at me. "I'm happy I made it here. I'm grateful with all the things I've been through. Pangit man yan o kasuklam-suklam, I'm still grateful for it happened. I have now weaknesses to hold on to for my strengths to resurrect."

"How to be you, Leighrah? Naiinggit ako sa katapangan mo."

"You are brave naman, eh. Takot ka lang sumubok. Takot kang harapin ang nakaraan mo kaya ka nagtatago dito. Give it up, Keshia Serein. Wiggle your negative spirit and boost your positivity. Don't wait for the right time to deal with it. There's no one perfect time to come, because every single day of our life is a perfect time. Nasa sa atin iyon paano ie-execute."

She's agape staring at me with flashed eyes. Unti-unting sumilay ang ngiti sa labi niya at tumango-tango.

"It's a relief looking at you how truly happy you are now. I hope I can be happy like you. At nakakangiti na walang alalahanin at bumabara sa kalooban."

I tapped her shoulder. "You will be more happier than me, beasty. It surely will happen kung hindi ka na magtatago."

Bumuntong hininga siya at tumayo. Sumandal sa baluster at tumitig sa naglalakihang building sa harapan namin. Naglakad ako palapit sa kanya at sinandal ang likod sa baluster, nakatitig sa loob ng maliwanag na kwarto. We're both quiet for a little while when she cracked the silence for a good news.

"Well... I made a decision to come back home. For good."

"Really!? Mabuti naman."

Umalis ako sa pagkakasandal at ginaya ang posisyon niya.

"And sasabay ako sa'yo pauwi ng Pilipinas. Nakabili na ako ng one-way ticket."

"Wow! Congrats. Makakalaya ka na sa sosyal mong kulungan at makakauwi ka na kay Inang bayan." Humagikhik ako. Napatawa siya sa binulalas ko at inikutan ng mata.

"Kaboring dito! Gusto ko na ring umuwi."

"Pwede ring hwag na." I shrugged. "Dito na lang din ako. Kunin mo akong katulong. Di ka ba hiring ngayon?"

She tsk-ed. "Panahon ng kagipitan ko ngayon. Nag-AWOL kasi ako sa trabaho kaya pagbalik ko fired agad."

"Iyon ba yung araw na nag-emergency call ka sa akin?" Pagkumpirma ko. Tumango siya.

"Hay! Mabuti na rin kung uuwi ka. Naririndi na ako sa naghahanap sa'yo, eh. Paulit-ulit. Kunwari di ko alam kung saang lupalop ka nagtatago. Di ata uso sa kanya ang socmed."

Natawa ulit ako. Kabaliktaran sa mukha niyang malapit ng matupok sa init. Galit na galit 'yan?

"Daldal mo."

"Madaldal pero totoo! Eh, ikaw-"

"Shh! Blah blah blah!" She cut me off and abruptly walked inside the room. "Antok na ako. Geh, bahala ka na magligpit niyan. Matutulog na ako. Goodnight!"

Natatawa ko siyang pinagmasdan na humiga sa kama. Sus! Indenial queen din 'to.

Linigpit ko na ang pinag-inuman namin at naglakad papasok sa katabing kwarto. Nang patayin ko na ang bedside lamp at ilapat na ang katawan ko sa malambot na kama, that's when I felt my tiredness from traveling.

When Summer Ends (Four Season Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon