Kabanata 38
Stay Over
"Tawagan mo ako kapag nakarating na kayo doon." Pakiusap ni Papa nang kumalas ako sa yakap niya.
"Opo. Aalis na kami, Pa. Mag-iingat ka po dito." Pinisil ko ang kamay niya. "Hahabilinan ko si Cleo na kontakin ka kapag nagkita na kami."
Sumang-ayon siya. "Bilinan mo ang kapatid mo, Leighrah. Sabihin mong umuwi siya dito kahit isang linggo lang."
"Papakiusapan ko, Pa." pangako ko.
Tumango siya. Nalipat ang tingin niya kay Zachary na pabalik sa pwesto namin.
"Aalis na kami, Tito."
"Sige na. Gumayak na kayo. Mag-iingat kayo sa pagbyahe." Huling habilin niya. Humalik ako sa pisngi niya at yumakap muli bago tumalikod. Sumunod si Zachary agad pero natigilan siya sa pagsunod ng tinawag ni papa ang pangalan niya.
"Zachary..." pagtawag ni Papa. Tumigil ako sa paglakad para balingan sila na nasa bungad pa rin ng gate.
"Tito," tugon ni Zach. Lumapit siya kay Papa ng sumenyas ito sa kanya. Tinapik niya ang balikat ni Zachary at sinabing, "Alam mo na ang gagawin mo. Ipangako mong tutuparin mo ang ipinangako mo sa akin. Umaasa ako, Zachary." Makahulugang saad ni Papa na silang dalawa lamang ang nakakaalam nun.
Magkasabay silang nilingon ako na matamang naghihintay kay Zachary at nakikinig sa usapan nila. I saw Zachary's wide smile for a moment as he turned back his head to look at my father in front of him. Tinapik din niya ang balikat ni Papa.
"No worries, Tito Nardo. Paninindigan ko ang pangako ko sa'yo." He said it out loud like he's not just telling it to my father but he's proclaiming to the universe that he will never break his promises to my father.
And I'm glad about it even without knowing what it is. Hindi ko na kailangan mang-usisa sa kanila para alamin. Because Zachary already exposed it to the world, so I will just let the universe do the effort for me... In the right place and at the right time.
Umalis na kami at iniwan ang ama na nakatayo pa rin sa labas ng gate, hinahatid ng tingin kahit sa malayong distansya. Bago lumiko ang sasakyan ay nakita ko ang pagtalikod niya pabalik sa bahay. Tinuon ko na ang tingin sa dadaanan namin.
"Kailan ka babalik sa trabaho?"
"Sa Lunes na ako papasok," sagot ko. "Ikaw?"
"Next Saturday pa ang flight ko kaya marami pa akong time magliwaliw. When will you be free?" tanong niyang kinaikot ng mata ko.
"Next year na ako magkaka-free time. Ilang buwan mula ng ma-promote ako pero marami na akong absent. Babayaran ko muna ang utang kong pagliban," sabi ko.
"So... next year na ulit kita maide-date? Saklap naman! Ho!" he exhaled in dismay. Natawa ako.
"That's the disadvantage of having a manager girlfriend." I grinned joyfully. He frowned.
"Lumipat ka na sa Lejano para iisang company tayo. Para palagi tayong magkasama sa trabaho. Ayaw mo ba nun? Sumasagana pa rin ang love life natin kahit na-stress na sa trabaho." Natawa siya sa sariling suhestyon. Pabirong hinampas ko ang binti niya. Natawa rin ako sa biro niya.
"Ayoko. Baka madali akong magsawa sa mukha mo," pabirong tugon ko. Matalim ang tingin niyang binalingan ako. "Just kidding," bawi ko sa naunang sinabi.
Hinding-hindi ako magsasawa sa mukha niya 'no. Anim na taon ko siyang hindi nakikita kaya dapat araw-araw ko siyang makita para punan ang pananabik ko sa kanya.
It was a long long travel, heading to southbound, and it's exhausting and sultry from the bright sun's rays.
We dropped by in a restaurant along the national road of Ilocos Sur to eat brunch. Pasado alas otso ng umaga pa lang at nangangayat na ang binti ko sa past 3-hour trip namin. Isang oras kami namahinga sa kainan bago tumuloy sa pagbyahe.
BINABASA MO ANG
When Summer Ends (Four Season Series #1)
RomanceFSS #1: When Summer Ends In spite of the two people with long list of differences and distinctly seen gap of social status, destiny will always find a way for them to meet. Leighrah Dawn Mendez finally falls deeply in love with his long term secret...