5

1.3K 29 0
                                    

Inihinto ni Ivan ang sasakyan. Hindi niya mapigilan ang mapatitig sa kaniyang katabi hindi niya alam ang gagawin kapag malapit ito sa kaniya. Napabuntong Hininga nalang ako. Hindi ko alam kung bakit ganto ang nararamdaman ko kay Kate.

"Bakit ba ang ganda ganda mo?'' Hindi ko mapigilang sabihin habang nakatitig sa kaniya. Napaka inosente niya.

Hindi ko alam kung bakit ako nagagalit sa kaniya. Napakababaw ko naman dahil madalas ko siyang hindi pansinin dahil takot akong mas mapalapit sa kaniya ng husto ng hindi ko alam ang dahilan.

Napaayos ako ng upo ng gumalaw siya galing sa mahimbing na pagtulog. Ang akala ko ay pipikit ulit siya para matulog ngunit nagkamali ako.

"Kuya nasan tayo?" Nagtatakang tanong niya. Sumisilip pa siya sa bintana na parang bata.

"Diba gusto mong magka ayos tayo?" Bigla kung tanong sa kaniya. Hindi ko naman kasi talaga alam kung bat ko siya ipinunta dito.

"Oo nman kuya. Diba nga ako si Princess Kate Villaplana at ikaw ang aking Prince Ivan Villaplana. Gusto ko magkabati na tayo. Please kuyaaa." Pacute na turan nito. Nakakatawa man pero iyon talaga ang pinangalan sa kanila ng kanilang Mommy Elissa pero ayukong maging Prince na kapatid niya. Gusto kong maging Prince na magpoprotekta at mamahalin niya. Pero malabong mangyayari. Nababaliw na ako kung ano anong iniisip ko.

"Halikan mo ako" yon lang ang lumabas sa mga bibig ko. Nong oras na yon. Gusto mang bawiin ng utak ko ang nasabi ko pero ayaw ng puso ko.

Nagulat ako sa sinabi ni Kuya. Parang huminto ang oras ng sinabi niya iyon. Napatitig ako sa kaniyang mukha. Ngayon ko lang nakita na ang gwapo pala talaga ng kuya ko. Kaya siguro ang dami talagang nahuhumaling sa kaniya. Matangos din ang ilong niya katulad ko pero magkaiba kami ng mga mata. Hindi ko napigilang mapatingin sa kaniyang mga labi.

Sigurado akong marami na siyang nahalikan. Hindi naman siguro masamang halikan siya dahil mag kapatid kami. Walang malisya dahil mahal namin ang isat isa bilang magkapatid.

Dahan dahan siyang lumapit sa mukha ng kaniyang kuya. Hindi na niya pinag isipan ang tamang gawin dahil para sa kaniya ay wala itong malisya dahil magkapatid sila at para magkabati na sila.

Ilang minuto ang lumipas na magkalapat lang ang kanilang mga labi. Walang may nais na gumalaw o tanggalin man lang ang halik na iyon.

"Alam mo bang pinahihirapan muko?" biglang turan ng kaniyang kuya.

"Ha?" Hindi niya lubos na maintindihan ang kinikilos ng kuya niya.

"Sa susunod, Wag kanang lumapit sa akin. Masasaktan lang kita." turan nito sabay nagmaneho pauwi.

SHE'S MINE, ONLY MINE (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon