11

1.1K 21 0
                                    

Maaga kaming umalis ni Kuya sa bahay. Wala rin akong ginawa sa kotse kundi Matulog ng matulog. Si kuya naman kasi ang nag dadrive atsaka hindi ako nakatulog kagabi sa sobrang Excited.

Pagpasok na pagpasok palang namin sa Gate ng Resort ay makikita mo na ang malaking Karatula na nagsasabing  RESORT VILLALUZ. Masasabi kong maganda siya dahil parang pang mayaman talaga. Sobrang lawak.

"Goodmorning sir, how many rooms po?" magalang na tanong ng babae.

"Reservation of Mr.Villaluz" masungit na sagot ni kuya.

"Name po sir?" sabi ng babae.

"Prince Ivan Villapalana" plain na turan nito.

"1 room lang po ang na reserve ni Mr.Villaluz for you sir. Gusto niyo po bang magdagdag ng isa pa?" sabay tingin ng babae sakin.

Aba malditang to. Parang ayaw niyang katabi ko ang kuya ko. Akala naman niya gusto ko.

"Ok na yan, where's the key?" sabi nito sa babae na ikinanganga nito. Hindi lang ito ang nakanganga. Literal na napamulat ang maliit kung mata at napanganga rin dahil iisa lang ang room namin ni Kuya.

"Kuya. Sa ibang room nalang ako." Hirit ko pa, kaso tumanggi lang si Kuya at kesyo maliit lang daw ang allowance na binigay ni Mommy.

Wala na akong nagawa. Ibinigay ng babae ang susi at inakay na ni Kuya ang aming mga bagahe. Nakasalubong pa naming si Clyde na napatulala ng dumating kami.

"Kasama niyo si Madeline?" Tanong nito sa akin na para bang kanina pa kami inaantay.

"Sorry may lakad sila ng Family niya." Sabi ko nalang wala na akong narinig na sagot mula sa kaniya. Nauna na ako sa room namin ni Kuya.

Kahit alam ko na ang maabutan ko sa room ay umasa pa rin ako na 2 ang kama pero 1 lang talaga.

Inayos ko na ang mga gamit. Samantalang ang ibang maleta ay na kay kuya pa na nakikipag chismisan pa kay Clyde.

Kung hindi ko lang kilala si Clyde iisipin ko na nalungkot siya ng malaman niyang hindi kasama si Madeline.

Nahiga muna ako at tiningnan ang phone ko nagbabakasakaling may signal sa Resort ng kaibigan ni Kuya kaso wala rin.

Naalala ko madami pala akong dalang SwimSuit kaya agad ko itong hinanap para makapag swimming na kaso nandoon pala kay kuya ang maleta ko.

Naisipan ko nalang lumabas para hanapin kong nasaan na si Kuya baka hindi pa tapos makipag chismisan.

SHE'S MINE, ONLY MINE (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon