19

1K 21 0
                                    

Umapaw ang galit sa puso ni Kaye ng makitang pumasok sa ibang room ang kaniyang kuya at may kasamang ibang babae.

Hindi niya alam kong bakit ganito na lang ang nararamdaman niyang lungkot at galit. Nagtatakbo na lang siya habang umiiyak.

Samantala si Ivan at si Stacey ay nag kwekwentuhan ng makita ang mga pictures ni Mark ng ito ay bata pa.

Si Stacey ay kapatid ni Mark na may sakit sa puso. Nalaman niyang kaya pala laging wala si Mark sa lahat ng bonding ng tropa ay nag aalaga siya sa kapatid.

Dahil sa matinding pag-iisip hindi namalayan ni Ivan na nakahawak na ang kamay niya sa palad ni Stacey.

"Hmmf, sorry" paghingi niya ng paumanhin dito.

"Ok lang, Hmmf, Balita ko aalis na kayo bukas dito" Pag iiba nito ng usapan.

"Ah eh Oo. Kailangan ko na kasing pumasok sa inaplayan kong trabaho." Alangang turan nito.

Gusto na sanang bumalik ni Ivan sa room nila ni Kaye kaso halatang ayaw pa siyang paalisin ni Stacey.

Hindi naman kasi magandang tingnan na magkasama sila sa kwarto at nakainom pa siya kaya akmang aalis na siya ng biglang hatakin siya nito.

"Gusto pa sana kitang maka-usap" nahihiyang turan nito.

Wala ng nagawa si Ivan at umupo nalang siya sa tabi ng babae.

"Gusto ko lang ipagtapat sayo na gusto kita." Diretsang pagpapahayag nito ng damdamin sa kaniya.

Hindi na siya magpapaka hunghang. Alam niyang gusto siya nito simula pa lang nang magkita sila ng unang araw pa lang nila dito.

Hindi niya alam ang sasabihin sa babae ayaw niyang saktan ito pero hindi ito ang mahal niya.

"Don't worry, Hindi ko naman hihilingin na mahalin mo ako. Gusto ko lang na iparating sa iyo itong nararamdaman ko. Una kitang makita sa mga pictures na nakikita ko sa phone ni Mark. Marami rin siyang ikwenekwento sa akin tungkol sayo. Simula ng makita kita noong unang dating niyo palang dito ni Kaye ay minahal na kita" mahabang litanya nito.

"Sorry" yan lang ang lumabas sa bibig ni Ivan.

Ngumiti naman ang dalaga at binitiwan siya. Hindi niya alam kong ano ang sasabihin kaya nag paalam na siyang lalabas.

"Alam kong mahal mo siya. Kitang kita sa mga mata mo. Sa paraang protektahan mo siya at ikwento mo siya sa akin. Pero hanggang kailan mo itatago?" pahabol na tanong nito.

Wala ng nagawa si Ivan at tuluyan ng lumabas sa kwartong iyon. Nakapag desisyon na siyang sabihin ang tunay niyang nararamdaman.

SHE'S MINE, ONLY MINE (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon