26

1K 14 0
                                    


Ngayong araw na ito ay nasa Mall ako para bumili ng mga kakailanganin namin sa bahay. Hindi ako nasamahan ni Kuya dahil may Meeting pa siya at baka gabihin na kaya nagpresinta akong ako nalang.

"Hello, Kuya bat ka napatawag?" sagot ko sa kabilang linya.

"Ayos ka lang ba? sabihan muko agad kapag may problema ah." Paalala nito. Palagi itong ganto kapag diko siya kasama.

"Kuya ok lang ako. Magtataxi nalang ako mamaya." Sagot ko agad dito.

"Ok sige sige. Mag ingat ka ah" turan nnito kaya nagpaalam na ako sa kaniya.

Kukuha sana ako Tissue na isang box kaya lang hindi ko abot. Naghanap ako ng mag aasisst sa akin kaso wala kaya tumalon talon nalang ako para maabot ko.

"Ouch!!' malakas na ungol ng lalaking nalaglagan ng mga box ng tissue.

"So-rry, Hindi ko alam na dadaan ka. Ok ka lang ba?" nag aalalang tanong ko dito. Mukha kasi siyang nasaktan dahil hindi lang bababa sa walong box ang nalaglag sa ulo niya.

"Miss sa susunod, Mag pa assist ka. Ang liit liit mo oh" Pang iinsulto nito sa kaniya kaya nag init ang ulo niya at iniwan ito.

Magbabayad na siya sa Counter ng mapansing hindi niya dala ang wallet niya. Napakamot na lang siya sa ulo ng maalala na naiwan niya sa bag na dala niya kanina sa school. Hiyang hiya siyang napatingin sa Cashier.

"Ammf Pa-se-nsi-ya na po. Kasi na--" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng sumingit ang lalaking nalaglagan ko ng karton kanina.

"Miss magkano ba?" tanong niya sa Cashier.

Pagkatapos mabayaran ang lahat ay hinarap ko ang lalaking may hawak ng lahat ng pinamili ko.

"Sorry dahil nalaglagan kita ng mga box kanina tapos binayaran mo pa ang lahat ng pinamili ko. Naiwan ko kasi yong wallet ko tapos ngayon ikaw pa ang nagbitbit niyan." Mahabang litanya niya.

"Ok lang yon. Pero may kapalit to ah" Sabay hirit nito. Akala ko kanina masungit ang lalaki at antipatiko yon pala ay mabait din.

"Una kailangan samahan mo akong kumain ngayon, Pangalawa hayaan mo akong ihatid kita at ang pangatlo sa susunod na magkikita tayo ay ililibre mo ako." Masayang turan nito na ikinangiti ko dahil kayang kaya kong gawin lahat yon.

Pumayag naman ako sa lahat ng kondisyon niya. Sino ba naman ako para gumanti. Pababa na ako ng kotse niya ng mapansin kong nakabukas ang ilaw ng bahay namin. Sa isip isip ko lagot ako kay Kuya.

"Oh sige mauna na ako. Ingat ka sa biyahe. See you when I See you" Kumaway ako sa kaniya at nagpaalam na.

SHE'S MINE, ONLY MINE (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon