13

1K 22 0
                                    


Natapos na kaming kumain ni Kaye. Naiinis ako dahil hindi siya matapos tapos sa pagkwekwento tungkol sa lalaking nakilala niya dito sa resort. Maling mali ata na sinama ko siya dito.

Hindi ako nagseselos pero ayuko pa siyang mag Boyfriend dahil napakabata pa niya sa mga bagay na yon at isa pa unang kita niya palang doon sa lalaking yon tapos crush niya na agad. Mga babae talaga.

Umalis ako ng room at iniwan si Kaye sa loob may hinahanap siya sa maleta niya kaya hindi ko na siya kinulit pa. Pumunta muna ako sa mga kaibigan ko dahil hapon na rin. Diko napansin ang oras siguro mag aalas singko na.

Samantala tuwang tuwa naman si Kaye dahil nakita na niya ang kaniyang Swim suit na gagamitin dahil gustong gusto na niyang mag swimming.

Humanap siya ng pool na mayroong hot water, Hindi niya kasi kakayanin kapag sobrang lamig ng tubig lalo na ngayon at mag aalas singko na.

Ilang minuto siyang nagbabad sa Hot water. Wala manlang pumunta sa napili niyang pool kya palagay siya rito. Medyo matagal na rin siya dito kaya napagdesisyunan niyang kumuha ng maiinom.

Buti nalang at may nakita agad siyang tubig. Hindi alam ni Kaye na isang wine ang nainom niya. Napaka inosente niya sa mga bagay bagay na magpapahamak sa kaniya.

Nagustuhan niya ito at mauubos na niya ang dalawang bote. Namumula na ang kaniyang mukha at halatang lasing na.

Dumating namang ang isang lalaki na may bitbit na tuwalya. Tinanggal niya agad ang kaniyang shorts dahil alam niyang walang makakakita sa kaniya. Gabi na kakaunti nalang ang mga nag swimming dito at isa pa private pool niya ito kaya walang mangangahas ng mag swimming dito.

"Hoyy bhastos kha ah. Bhat huhubadh ka ditoo bhastos" bilang sigaw sa kaniya. Nagmadali naman siyang nag short at nilapitan ang nanigaw sa kaniya.

"Miss ikaw yong kanina ah, bat ka nandito?" nagtatakang tanong nito dahil namumula ito. Halatang lasing.

'Ikhaw. Ohy crass ikhaw phala yan hihihi." Sabay tawa.

Lihim namang natuwa ang lalaki dahil crush daw siya ng babaeng cute sa paningin niya mula ng makita niya ito kanina.

SHE'S MINE, ONLY MINE (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon