9

1.1K 22 0
                                    


Nasa kwarto si Kaye ng biglang kumatok ang kaniyang Mommy Elissa. Napaupo siya bigla dahil sa itsura nito.

"Mommy, bakit ka umiiyak?" nag aalalang turan niya dito.

"Wala to anak, may kailangan kasi akong puntahan na Bussiness trip. Ang Daddy mo ay nauna ng nagpaalam sa inyo. Akala ko magkakaroon tayo ng quality time na magkakasama ng kuya mo kaso biglaan kasi ito." Paghingi nito ng paumanhin.

" Mommy naiintindihan ko. Ok lang po yon" sabay yakap dito.

Hindi man sabihin ng Mommy niya. Alam niyang may problema ito. Kahit na ganon ay aantayin niyang magsabi ito sa kanila.

Kinabukasan, Madaling araw pa lang ay sumama na kami ni Kuya sa Airport para ihatid si Mommy.

"Ivan, Ingatan mo ang kapatid mo. Alam kong nagbabago kana. Magandang impluwensiya sayo si Mark anak. Ipagpatuloy mo yan" turan ni Mommy kay Kuya. Nagtaka ako dahil sa pagkaka-alam ko ay walang kaibigan si kuya na Mark ang pangalan.

"Ikaw naman anak. Magpakabait ka dito sa kuya mo. Huwag kang aalis kong saan saan. Kay kuya kalang sasama" nag aalalang turan nito.

"Opo mommy. Hindi na po ako bata, kayang kaya ko na po to" mayabang na turan ko.

Tumawa naman si Mommy dahil sa kalokohan ko. Samantalang si Kuya naman ay tahimik lang na nakikinig sa amin.

"Nga pala Ivan, Yong alis niyo ng mga kaibigan mo. Isama mo nalang tong si Kaye. Huwag mong iiwanan dahil baka kong anong mangyari. Dalaga na tong kapatid mo" pag-papaalala ulit nito.

"Ma, iiwan ko nalang siya kay yaya. Bawal ang babae don" Pagtanggi ni Kuya.

"Hindi Ivan. Isama mo dahil regalo ko na din sa kaniya yan. Dahil hindi natuloy ung pag alis natin'' paliwanag ni mama. Wala ng nagawa si kuya.

Nagpaalam na kami ni Kuya kay Mommy. Malungkot pero para naman daw yon sa kinabukasan namin ni Kuya e.

SHE'S MINE, ONLY MINE (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon