6

1.2K 23 0
                                    


Nahiga ako sa kama at pabaling baling na para bang hindi makapaniwala sa mga nangyari. Kanina ng dumating kami sa bahay ni kuya ay parang walang nangyaring kakaiba sa amin. Hindi rin maintindihan ni Kaye ang inasal ng kaniyang kuya. Pinapalayo at sinabing masasaktan lang daw siya nito. 

Nagtaka rin sina Mommy at Daddy dahil magkasabay kaming umuwi.

Gumawa nalang ako ng dahilan para hindi na magtanong pa sina Daddy at Mommy. Masayang masaya ang reaksiyon ni Mommy samantalang si Daddy naman ay tahimik lang at walang imik.

Pagkatapos kumain ay nagpaalam na akong aakyat sa kwarto. Nakasalubong ko si Kuya Ivan. Akala ko ay papansinin niya ako ngunit para lamang akong hangin sa kaniya. Nagtaka man ay naisip ko nalang na may Mood Swing talaga si Kuya. Inisip ko rin na hinding hindi niya gagawing saktan ako.

Samantala naguguluhan namang pumasok ng sasakyan si Ivan at agarang pinaharurot ang kotse papuntang Bar. Kahit isa sa mga kaibigan niya ay hindi manlang siya madamayang uminom ngayong gabi. Tuloy tuloy lang siya sa pagpasok sa Bar. May mga babaeng Lumalapit sa kaniya pero tinanggihan niya ang lahat ng mga ito.

Makalipas ang ilang oras ay naparami na siya ng nainom pero alam pa naman niya ang ginagawa niya. Ito ang Talent niya matagal siyang malasing.

Tatayo sana siya para mag Cr ng makabangga siya ng isa pang bulto ng lalaki.

"Sorry Bro, Nahihilo na kasi ako" Paghingi ng pasensiya ng lalaki. Kinamayan naman niya ito. Bihira lang kasi ang mga lalaking ganto sa Bar. Madalas kapag may nakabunggo ka o nabunggo ka ay pagsisimulan na ng away.

"Ako nga pala si Mark Bro. Pasensiya kana talaga nagmamadali ako dahil may iniiwasan akong babae." Turan nito. Hindi pa man siya nakapag papakilala ay may dumating na ngang babae.

"Mark, Anjan ka lang pala e. Halika na. Let's Dance" Malanding turan nito sa lalaking nakabunggo ko kanina.

Naawa naman ako sa lalaki dahil halatang ayaw niya sa babae. Halatang hindi ito sanay sa mga ganitong lugar. Kaya ako na ang gumawa ng paraan para lubayan siya ng babae.

"Ehem" pukaw niya sa dalawang nagtatalo. Napatingin naman agad sa kaniya ang babae.

"Ow, Hi there handsome" Nang aakit na turan nito sa kaniya.

Niyaya niyang sumayaw ang babae. Total gusto niyang mag Party ngayong gabi. Lihim naman siyang pinasalamatan ng lalaking nakalimutan niya ang pangalan. Kung malakas siyang uminom, Ang kahinaan naman niya ay ang tumanda ng pangalan.

SHE'S MINE, ONLY MINE (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon