27

1K 12 0
                                    

Kabado akong binuksan ang gate namin. Nakakapagtaka dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin niya nakikita ang kuya niya.

Nakapasok na siya ng kwarto pero hindi siya sinalubong ng kaniyang kuya. Gusto pa naman sana niyang ibigay dito ang polo shirt na binili niya.

Pagkatapos niyang magbihis ng pambahay ay kumatok siya sa kwarto ng kaniyang kuya. Ilang ulit niya itong kinatok ngunit ang tagal tagal nitong buksan.

"Kuya anong itsura mo HAHAHA'' tawang tawa siya ng makita ang kuya niya na magulo ang buhok at baliktad pa ang damit siguro sa pagmamadali.

Alangan namang ngumiti si Ivan kay Kaye. Nakasilip lang siya sa pintuan na para bang takot na takot lumabas. Akala niya kasi ay tulog na ito kanina pagdating niya.

"Kuya amoy alak ka. Umiinom ka ba diyan sa kwarto mo?" Alangang tanong niya. Baka kasi may problema ito. Lalo na at may meeting sila kanina.

"Ok naman. Napromote na ako kanina" Tipid na sagot nito.

Tinulak niya ang pinto para makita ang ginagawa ng kaniyang kuya. Ganon na lang ang pagkabigla niya ng makita ang isang babae na nakahubad sa higaan ng kaniyang kuya.

"Sino siya kuya?" galit na tanong nito.

"Ah kaye labas kana muna" Pagtulak niya kay Kaye sa labas. Sinara nito ang pintuan at naiwan siyang nakatulala sa labas ng kwarto nito.

Hindi pa rin talaga nagbago ang kuya niya. Pumasok na siya sa kwarto niya at umiyak.

Samantala galit na galit ang Boss ni Ivan dahil ayaw ng ituloy ni Ivan ang pagtatalik nila. Lihim siyang nagalit sa kapatid ng lalaki.

Kumatok ng ilang ulit si Ivan sa kwarto ni Kaye ngunit hindi siya nito pinagbubuksan kaya pinihit niya ang doorknob at hindi naman siya nagkamali at bukas nga ang pinto.

SHE'S MINE, ONLY MINE (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon