37

957 21 0
                                    

Tapos na siyang ayusan. Paulit ulit at medyo natagalan siya sa pag aayos dahil na rin sa panay iyak niya. Naiinis na siguro ang mga make up artist dahil hindi naman siya ang ikakasal pero pa important siya.

Nauna na ang mommy niya sa simbahan dahil kailangan siya roon. Ito ang tatayong mommy ni Ivan dahil kahit papaano kami ang nakagisnan niyang pamilya.

Pababa na ako ng marinig ko ang pagbusina ng sasakyan namin. Buti nalang at pinabalikan ako ni mommy sa driver namin.

"Congrats mam." Turan agad nito.

"Kuya naman e. Congrats ka diyan dapat si Kuya ang I-Congrats mo. Ikakasal na e"' malungkot na turan ko.

Ngumiti nalang si Kuyang Driver.

Nagulat ako ng biglang huminto ang sasakyan. Akala ko ay nandito na kami ang kaso pagtingin ko kay kuya ay napakamot nalang siya ng ulo.

"Mam, sorry nasiraan po tayo" kakamot kamot pang turan nito.

"Naku kuya. Lagot tayo." Kahit ako ay napakamot na din sa ulo.

Agad kong hinanap ang phone ko para matawagan sila mommy kaso diko mahagilap.

"Kuya may dala kabang cp?" tanong ko nalang.

"Naku mam. Wala po akong phone. Diba po nasira kahapon" paktay na.

SHE'S MINE, ONLY MINE (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon