33

956 20 0
                                    


Lakad, Takbo ang ginawa niya para lang maabuutan pa sila Ivan. Dahil sa kakatakbo natalisod siya sa nakausling bato.

"Ouch! Shit Shit Shit!" sigaw niya habang hinahampas ang sahig. Nawalan na siya ng pag-asa hindi na niya natatanaw ang kotse nila Ivan. Nahiga na lang siya sa sahig. Wala siyang pakialam kong marumi ito.

"Diyan mo na ba balak matulog?" sabay ngisi ni Ivan sa kaniya. Nanlaki naman ang mata niya at napatayo agad at mahigpit na yumakap sa lalaki.

"Kuya Ivan, gusto kong malaman ang totoo. Ano ba ang totoo?" mahinang tanong niya dito.

Bumalik sila sa Playground. Hindi na niya nakita doon si Mark. Umupo silang dalawa sa damo.

"Ano bang gusto mong malaman Princess?" malambing na turan nito.

"Bakit ka umalis noon, Bakit hindi ka nagpaalam sakin?" agad niyang sagot.

"Umalis ako para malaman ko kung sino talaga ako. Princess, Hindi mo ako tunay na kapatid" madiing turan nito.

"Ha? Paano?" tanong ko. Hindi ko alam kong bakit sobrang saya ko ng malaman iyon.

"Magkaibigan ang Mommy Liza ko at Mommy Elissa mo. Noon itinakdang magpakasal sina Mommy Elissa at Daddy Miguel ko. Ang kaso pumasok ang Mommy Liza ko sa buhay nila. Nagkaroon ng Third Party." Huminto ito sa pagsasalita

"Nabuntis ni Miguel Cruz ang Mommy Liza ko at ako ang naging Bunga. Dahil doon nasaktan si Mommy Elissa kaya nagpakalayo layo siya. Akala niya magiging maayos na ang buhay niya ng magpakalayo siya kaso biglang dumating ulit ang Mommy ko at binigay ako kay Mommy Elissa. Hindi siya pinanagutan ni Miguel dahil hindi siya ang tunay na mahal nito kundi ang Mommy mo. Kinupkop ako ni Mommy Elissa hanggang sa makilala niya ang daddy mo at nagpakasal sila. Ang akala ng daddy mo anak ako sa iba ni Mommy Elissa mo kaya hindi niya ako lubos na pinapakisamahan."

Lubos na naintindihan ni Kaye kong bakit ganon nalang ang pakikitungo ng daddy niya dito.

"Umalis ako dahil may sakit ang Mommy ko. Namatay din siya nitong nakaraang buwan kaya hindi ako nakabalik agad kasi kailangan ko siyang alagaan." Dagdag pa nito.

"Sorry kong hindi kita tinawagan o tinext man lang kahit natatanggap ko ang mga text mo noon. Nahihiya ako sa pamilya mo. Nahihiya ako sa Mommy mo at nahihiya ako sayo. Hinatian kita sa pagmamahal ng mga magulang mo, Sinaktan ng magulang ko ang Mommy mo at higit sa lahat sasaktan din kita dahil kailangan kong sundin ang Daddy ko" tuluyan na siyang naluha sa sinabi ni Ivan.

Ibig sabihin ang daddy ni Ivan ang gustong magpakasal siya kay Zarina.

"Mahal mo ba siya?" mahinang tanong ni Kaye kay Ivan.

SHE'S MINE, ONLY MINE (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon