34

980 15 0
                                    


Maagang nagising si Kaye dahil kailangan na niyang magsukat ng damit para sa kasal ni Ivan.

"Ang ganda ganda naman nito. Kahit Bridesmaid ay nakagown din pala" turan pa niya.

Mugtong mugto pa ang mata niya dahil sa kakaiyak. Kaya lang pala pumunta si Ivan sa kanila ay dahil sa kasal nito.

Akala niya noon ang magiging problema sa kanilang pagsasama ay ang pagiging magkapatid nila yon pala ay hindi.

Pagkatapos magsukat ay agad siyang bumiyahe upang makarating ng mas maaga sa Cruz Corporation para kausapin ang may-ari nito.

Kakasakay pa lang niya sa Elevator ng tumawag sa kaniya si Madeline.

"Hoy gaga ka. Itutuloy mo talaga ang plano mo ha?" bungad nito sa kniya.

"Oo madi. Now or Never. 2 days nalang ay kasal na nila. Hindi pwedeng matuloy ang kasal. Hindi porket babae ako eh hindi ko na siya ipaglalaban." May paninindigan na turan nito.

"Pero girl nag aalala lang ako sayo. Wala kang kasama jan." paalala ni Madeline sa kaniya.

"Hindi naman ako mang gugulo. Gusto ko lang talagang makausap si Mr.Cruz" mahinahong turan nito. Hindi niya alam na ang taong gusto niyang makausap ay nasa likuran na niya.

"Goodmorning, ako nga pala si Princess Kaye Villaplana. Gusto ko po sanang kausapin si Mr. Miguel Cruz" Inaasahan niya ng tatanggi ito dahil wala naman siyang Appointment pero ang ipinagtaka niya ay itinuro siya nito sa isa pang room.

SHE'S MINE, ONLY MINE (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon