23

1K 21 1
                                    

Nagulat siya ng bumungad sa kaniyang harapan ang galit na galit na mukha ni Ivan at takot na mga mukha ni Vincent at Clyde. Magtatanong pa sana siya ng bigla siyang suntukin ni Ivan.

"KUYA!!! ANONG GINAGAWA MO?!!!" Gulat na tanong ni Kaye ng makita niya ang pagbagsak ni Mark sa sahig.

"AKO PA ANG TINANONG MO NIYAN!!! NAWALA LANG AKO SAGLIT NAKIKIPAG HARUTAN KANA" Galit na galit na turan nito na walang tigil sa pagsuntok kay Mark.

Nasaktan man sa sinabi ng kuya niya ay pinilit niyang tumayo para umawat sa kanila. Inawat naman nila Vincent at Clyde si Ivan ngunit masyadong malakas ito kaya tumalsik lang silang dalawa.

Wala itong tigil sa pag suntok kay Mark na walang ginawa kundi tanggapin ang mga suntok na iyon.

"WALA KANG UTANG NA LOOB. TINULUNGAN KITA NOON!!" sabay suntok muli ka Mark.

"KAPATID KO PA TALAGA!! ANG KAPAL NG MUKHA MO!!!! HINDI MO MAKUKUHA ANG KAPATID KO SA AKIN.!!!" Sigaw niya dito.

Sabay namang hinawakan ng dalawa ang magkabilang braso ni Ivan kaya napigilan na nila ito.

"BITIWAN NIYO AKO, KUNG AYAW NIYONG MADAMAY DITO!!!!!" kumakawalang turan nito pero biglang sumigaw si Kaye at agad agad na lumapit kay Mark na duguan na at hindi makapagsalita.

"TAMA NAAAAA! TIGILAN MO NA TO. WALANG KASALANAN SI MARK. AKO ANG MAY GUSTONG MAY MANGYARI SA AMIN. ANO NAMANG PAKI ALAM MO HA? PINAPAKIALAMANAN BA KITA KAPAG NAKIKITA KONG NAKIKIPAG SEX KA SA IBAT IBANG BABAE?" Galit na turan din ni Kaye.

Nahimasmasan naman si Ivan dahil sa narinig mula sa kaniyang kapatid.

"GANYAN KANA BA TALAGA KA KATI HA?" Insultong turan nito sa kaniyang kapatid.

Tila umakyat lahat ng dugo sa ulo ni Kaye ng marinig ang sinabi ng kaniyang kuya kaya sinumbatan niya ito.

"OO. MAKATI NA KUNG MAKATI. PAREHAS LANG NAMAN TAYO. WALA KANG PAKI ALAM KUNG SINO AT KANINO KO GUSTONG MAKIPAG SEX. KATAWAN KO TO AT PAGMAMAY ARI KO TO. ANO NAMANG PAKI ALAM MO KUNG GUSTO KONG MAGPAGAMIT SA KUNG KANI-KANINO." Hinihingal na turan niya.

Nang marinig yon ni Ivan ay agad na sumabog lahat ng galit niya agad niyang binuhat ang babae. Kahit ang dalawa niyang kaibigan ay wala ng nagawa dahil problemang pang-pamilya ito.

Nagpupumiglas man ay walang nagawa si Kaye dahil sa mahigpit na pagkakahawak sa kanya ng kaniyang kuya. Mabuti nalang at gabing gabi na at wala ng tao sa labas dahil tanging kumot lang ang kaniyang natitirang saplot sa katawan.

SHE'S MINE, ONLY MINE (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon