30

999 13 0
                                    


Kakauwi pa lang ni Kaye galing sa eskwela ng maabutan niya sa sala ang kaniyang Mommy at Daddy. Sobrang tuwa niya ng makita ang mga ito kaya naman madami silang napag kwentuhan.

"Mommy, Lulutuan ko na kayo. Mamayang hapunan ay narito na din si Kuya Ivan" masayang turan nito.

"Anak hindi makakauwi ang kuya Ivan mo ngayon kasi may importante siyang gagawin" malungkot na turan ng kaniyang mommy. Nanatili namang tahimik ang kaniyang daddy.

Pagkatapos nilang maghapunan ay agad agad siyang pumunta sa kaniyang kwarto upang kunin ang kaniyang phone.

Ilang ulit niyang tinawagan at itext ang kaniyang kuya pero wala itong reply at sagot. Inakala niyang kinabukasan ay babalik na ito pero wala pa rin.

Ilang ulit niyang tinanong ang kaniyang Mommy at Daddy kung nasaan ba talaga ang kaniyang kuya pero wala itong matinong maisagot. Lagi lang nilang sinasabi na tungkol iyon sa trabaho ng kaniyang kuya.

Dahil sa wala siyang magawa ay pumasok siya loob ng kwarto ng kaniyang kuya. Natural na kwarto ng isang lalaki ang bubungad sa kaniya pero may napansin siya na nagpa iyak sa kaniya.

SHE'S MINE, ONLY MINE (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon