36

944 15 0
                                    

 Araw ng Kasal

Gabi gaganapin ang seremonya ng kasal. Lahat ay naghahanda na para sa darating na malaking kasalan.

Ang iba ay excited at masaya dahil may dalawang tao nanaman ang magbubuklod ang puso para sa habambuhay na pag-ibig.

Samantalang si Kaye naman ay walang imik nan aka kulong sa sarili niyang kwarto. Iyak lang siya ng iiyak buong magdamag dahil dumating na ang araw na kinakatakutan niya.

Ikakasal na sa iba ang lalaking mahal niya.

"Anak? Mamaya aayusan kana ah. Lumabas kana. Wag kanang malungkot" turan ng kaniyang Mommy.

"Mommy ang sakit e." iyak nanaman niya ang namayani sa loob ng kwarto.

Nag usap sila ng mommy niya. Mas gumaan ang pakiramdam niya. Matapos ang araw na ito ay susubukan niya ng kalimuutan si Ivan para na rin sa sarili niya.

Tama ang Mommy niya katulad sa kaniya noon na nasaktan pero nakahanap ng bagong mamahalin.

Sana ganon din siya.

Sana makaya rin niya.

Sana sa huli magingmasaya rin siya.

SHE'S MINE, ONLY MINE (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon