1

2.6K 37 0
                                    


Tuwang tuwa ang lahat ng maipanganak ni Elissa ang batang si Princess Kate. Hindi nila inaasahan na magkakaroon sila ng babae sa pamilya kaya ganon nalang kasaya ang lahat.

Ligid sa kasiyahang nadadama ng lahat ay may isang batang lalaki na masama ang loob dahil sa pagsilang ng kaniyang kapatid.

"Ivan, Halika dito anak. Tingnan mo si Baby Kate oh. Ang cute cute ng baby natin" Mahinang turan ng kanilang ina.

Hindi niya napigilang tingnan ang sanggol na hawak ng kaniyang ina. Napangiti siya dahil maganda ang kaniyang kapatid.

Ngumingiti din ito kaya hindi niya napigilang hawakan ang bata.

"Kuya Ivan, Simula ngayon ikaw na ang mag poprotekta kay Princess Kate ah. Simula ngayon ikaw na ang kaniyang Prince." Magiliw na turan ng kaniyang ina.

Natuwa naman siya sa sinabi ng kaniyang Ina, Biglang tumahimik ang lahat ng biglang dumating ang kaniyang tatay.

"Ayan na ba ang anak ko." Tuwang tuwang sabi nito. Hindi manlang siya nito napansin. Para lamang siyang hangin sa harap nito.

Akala niya ay yong araw na yon lang ganon ang kaniyang ama. Ngunit araw araw na siya nitong pinagagalitan at busy naman ang kaniyang ina sa pag aalaga ng kaniyang kapatid.

Nagsimula ng magtanim ng sama ng loob ang batang si Ivan sa kaniyang mga magulang dahil pakiramdam niya ay hindi na siya nito mahal.

Dumating sa punto na nasasaktan na siya ng kaniyang ama dahil sa mga ginagawa niya. Mas gusto nalang niyang magkulong sa kwarto kaysa naman maramdaman at makita nanaman niyang masaya ang kaniyang mga magulang habang inaalagaan ang kaniyang kapatid na si Kate.

SHE'S MINE, ONLY MINE (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon