Trigger warning: physical abuse
Chapter 2: Shackled
Isang malakas na sampal ang tumama sa pisngi ko. Halos mabingi ako dahil sa sakit na naramdaman. "You were trying to escape, you stupid girl!"
Umiling ako. "No... madame."
"I should remind you. You owe me your life, do you understand?"
"Yes," Tumango ako, nangingilid ang luha sa mga mata.
Muling tumama ang malapad niyang palad sa pisngi ko. "If you do this stupid stunt again, I will crush your feet with my very own cane, do you understand?"
Kinagat ko ang labi ko habang paulit-ulit ang sampal na tumama sa'kin hanggang sa magsawa siya. Bumuntong hininga siya bago umupo sa sofa sa loob ng suite.
She stared at her chubby hand red from slapping me. "Kumuha ka ng cream sa bag ko. Massage my hand," she muttered, leaning against the cushion of the chair.
Tumayo ako mula sa pagkakaluhod sa sahig. I lost my balance for a bit because of the ringing in my ear. Pero nagawa kong tumayo nang maayos na parang walang nangyari. Kinuha ko ang cream sa bulaklakin niyang bag at minasahe ang kamay niyang sumampal sa'kin. Prenteng nakaupo sa kabilang silya ang tauhan niya habang pinanood ang pangyayari.
"After this stupid dog massage me, shackle her and bring her to the underground like the rest," utos niya sa tauhan. "Kailangan niyang matuto kung saan siya lulugar."
Hindi ako umimik. I had worst treatment, honestly. Wala ang sakit ng sampal niya sa iba ko pang pinagdaanan bago ako napunta sa kanya. Nagsalin ng alak sa kupita ang kanyang tauhan. Sinubukan kong alisin ang panginginig sa kamay ko habang naririnig ang usapan nila.
"May masama akong balita... mukhang kailangan nating umalis agad sa lugar na ito."
"What is it this time?" the madame pondered. Sandali siyang pumikit. "Baka nakakalimutan mo, hindi madaling maghanap ng lugar kung saan pwedeng itago ang mga taong 'yon."
"Narinig ko itong usap-usapan sa bayan," sabi ng tauhan. "A Van Zanth is in town, ang anak ng alpha. At mukhang hinahanap nila ang mga bihag natin."
Madame opened her eyes and pursed her lips. "Anak? A soon to be alpha?"
"He's a pure blood." Nilagok ng tauhan ang alak mula sa kupita. "Mahihirapan tayo kapag nakaharap natin siya."
A thick chain of metal clasped my wrist habang hinihila ako ng tauhan papunta sa underground facility ng hotel na tila isang hayop. "Ikaw naman... dapat hindi mo na naisipang tumakas. Maswerte ka na nga sa kanya."
Nakarating kami sa paanan ng pintuan sa isang madilim na corridor. It looks like we were in the ventilation system of the hotel. Maingay ang mga makinang nakapaligid sa'min. Nang buksan niya ang pinto, tinulak niya ako sa loob ng walang babala. Then he connected the chain into a post.
"'Dyan ka muna para matuto ka," saka niya sinara ang metal na pinto.
Tahimik akong umupo sa sahig, staring at the chain in my hand. Tama ang tauhan. Maswerte na ako kay madame. Years ago I was either chained in a small room or kept in a cage-like cell. Kay madame, nakakalabas ako, nakikita ko ang mundo.
Isang ingay ang narinig ko mula sa sulok ng kwarto. Four people were huddled at a corner, embracing each other for strength. A little girl was crying, asking her mother when they could go back home. Inside the room with me were a mother and three of her children. They were all from Van Zanth.
"'Wag kayong magalala," I told them. "A Van Zanth is here in town to save you."
The mother embraced her children in relief. "Hindi tayo pababayaan ng mga Van Zanth."
I watched them with a small smile on my lips. Sana lang mahanap nila agad sa lugar na ito bago pa maisip ni Madame na tuluyang ilipat ang mga bihag niya.
Makalipas ang isang oras, biglang bumukas ang metal na pintuan ng kwarto. The family scampered at the farthest corner of the room, kinatatakutan kung sino man ang nasa paanan ng pinto. Pero hindi sila tauhan ni madame. One of them was the man I saw at the hotel lobby earlier that day.
Our gaze met for a brief moment while I remained shackled on the floor.
"Nasa likuran sila," I told him.
Pinuntahan niya agad ang pamilya. Sumunod ang isa pa niyang kasama who glanced briefly at me, probably wondering why I was also shackled.
Madali nilang nasira ang chain na nakapalibot sa pamilya. Sumunod akong pinuntahan ng lalake. He stepped behind me to unshackle the chains that's gripping my wrists.
"No," I told him. Pilit akong lumayo mula sa kanya. I stared at his eyes, dark with golden specks, like a whirlpool of gold. Ngayon lang ako nakakita ng ganoon kagandang mga mata. Umiling ako sa takot. "I can't leave this place."
"Zack," tawag ng kasama niya. "Hurry up!"
Bago pa siya makasagot, isang sigaw ang umalingawngaw sa corridor. There was a commotion and I knew nakasunod na ang mga tauhan ni madame.
Naririnig ko ang pamilyar nilang mga boses. Nawala ang lalake sa harapan ko. Mula sa siwang ng pintuan, nakita ko siya sa corridor kaharap ang apat na tauhan ni madame.
"Uncle, take the family in a safe place!" sigaw ng lalake sa kanyang kasama.
It wasn't clear what was happening from inside the room. I remained shackled, but for the first time in years I wanted to pull myself away from the chains. Nawala ang pamilya sa corridor and I could only wish they were safe.
Napapikit ako nang mariin when a body hit the metal wall in front of me, creating a large dent. Someone yelled in pain followed by the crack of broken bones. Blood slowly dripped and flowed to the floor. May tumalsik na dugo sa mukha ko while someone's blood was sprayed all over the walls.
Silence... an unnerving silence followed. Someone showed up at the doorway. I whimpered, trying to take a step away. Sigurado ako ang sasalo ng galit ni madame kapag nalaman niya na nasira ang buong plano niya.
"Hey."
The man with the deep voice took several staggered steps towards me. Nang makalapit, doon ko napansin na may sugat siya sa bandang ulo. Muli niyang inalis ang chain mula sa mga kamay ko. Napatitig ako sa kanya. All the edges of his face was prominent in the dark. His jaw, how the minimal light grazed his cheekbone, and the way his eyebrow creased until he completely unshackled me.
Isang bagay ang napansin kong nakasunod sa kanya sa pintuan. Isa sa mga duguang tauhan ni madame ang sumugod mula sa likuran ng lalake. His large, hybrid claws were raised in the air, ready to strike. Bago pa ako tuluyang nakapag-isip, sinalo ko ang panganib na dapat ay para sa isang Van Zanth.
***
BINABASA MO ANG
Never Be Tamed
FantasyEleanor worked for several masters until an incident forced her to restart her life in a small town of Van Zanth, where hybrids prosper than humans. But with her past traumatic experiences haunting her, restarting on her own isn't as easy at it look...