Chapter 33: Warning
I sat on the bed the moment I woke up. Mataas na ang sikat ng araw sa labas ng bintana. Pinusod ko ang buhok ko at nagtungo sa bathroom upang maghilamos. Pagharap ko sa salamin, napansin ko ang tila mga pasa sa aking leeg.
Hinawakan ko ito gamit ang aking daliri bago napagtanto kung saan ito galing. Agad kong linugay muli ang buhok ko at napahawak sa aking dibdib.
Those fading bruises were from Zackary's lips...
Agad akong umiling sa naalala. Kahapon pa ako nakabalik mula sa apothecary pero ngayon ko lang ito napansin because I was covered in bundle of coats and heavy clothes yesterday because of the dreary weather.
Matapos magayos, nagtungo ako sa hallway at napansin ang nakasarang kwarto ni Anabeth. Halos kadarating ko lang kahapon noong magpaalam siya na kailangang umuwi dahil may sakit ang isa sa mga kapatid niya. Anabeth was the oldest among her siblings kaya naman isa siya sa inaasahan ng kanyang pamilya.
Bumaba ako sa hall para magagahan. Habang kumakain kasabay ang ilang mga senior staff sa iba't ibang table, muli kong naalala si Zackary... the kiss I stole and his drowning kisses. Nakakatakot isiping masyado na akong napapalapit sa kanya. Tama pa ba itong nararamdaman ko?
Matapos mag-agahan, dumeretso ako sa tower para simulan ang mga reports tungkol sa training camp. All the previous health files and log sheets from the camp were spread in the long table and I knew I had a long day of work ahead.
Inalis ko ang coat na suot ko at sinabit sa likod ng pinto, pinusod ang aking buhok bago nagsimula. I sat on my work station with files as thick as books. While deeply immerse in my work, one of the senior staff knocked on the door and asked me assist the injured orders in the infirmary.
Nagtaka ako noong una because there's always a staff assigned in the infirmary at this time. Pero tumayo parin ako at inabot ang coat ko sa pintuan bago nagtungo sa infirmary. They usually call for other staff during emergencies.
Pagdating sa infirmary, tahimik ang paligid. In my mind, I was preparing to treat heavy injuries. Pero nakita ko ang dalawang orders na naghihintay sa loob at may kausap.
"Sir Alex, gasgas lang ang mga ito. Hindi naman natin kailangang pumunta pa dito."
From the slightly opened door I noticed how Alexander glared at the order. "Gusto mo ba mas malala?"
"Sabi ko nga, kailangan ko ng gamot."
Tuluyan kong binuksan ang pintuan at binati sila. Agad silang humarap at marahan na yumuko upang bumati. Alexander stood in the middle of the two, his eyebrows scrunched so early in the morning. Wala bang araw na hindi nakakunot ang noo niya?
"What happened?"
"Wala ito, Ms. Eleanor-" Hindi naituloy ng order ang sasabihin nang tila may naalala. "Injuries na nakuha namin sa field... mukhang delikado kaya pumunta na kami dito."
Tumango ang katabi niya. Pinagmasdan ko ang mga galos sa kanilang braso. There's a certain point in history that hybrids could heal themselves and didn't need much medical attention. But as our bloodline fades in time, ganoon din ang ginawa nito sa kakayahang makagaling. That's why having this kind of skill... to heal, was sought after.
Mababaw lang ang kanilang mga galos, but I still made sure I cleaned them properly and and dabbed enough ointments and medicines to easily heal. Habang nasa gitna ng ginagawa, hindi ko mapigilang mapansin si Alexander. He was waiting patiently in a corner. I didn't know he's this hands-on... just to make sure his subordinates were properly treated.
BINABASA MO ANG
Never Be Tamed
FantasyEleanor worked for several masters until an incident forced her to restart her life in a small town of Van Zanth, where hybrids prosper than humans. But with her past traumatic experiences haunting her, restarting on her own isn't as easy at it look...